KMP, umalma sa pag-aresto sa ‘Pili 4’ – Pinoy Weekly

June 28, 2023


Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, nag-ugat pag-aresto sa pagtuligsa ng apat sa Naga Airport development project. Larawan mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, nag-ugat pag-aresto sa pagtuligsa ng apat sa Naga Airport development project. Larawan mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Arestado ang apat na magsasakang kasapi ng Damayan nin Paraoma sa Camarines Sur (Dampa) sa Pili, Camarines Sur sa kasong cyberlibel noong Hunyo 19.

Kinilala ang mga magsasaka na sina Jose Retubio, Artemio Sanchez, Nenita Petallo at William Petallo.

Umalma ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa nangyaring pagdakip sa apat.

Ayon sa KMP, nag-ugat ito sa pagtuligsa ng apat sa Naga Airport development project. Aprubado na ng National Economic and Development Authority ang proyekto noon pang 2015.

Iginiit naman ng KMP na hindi lamang kabuhayan ng 200 pamilya ang masisira, pati na rin ang 200 ektarya ng lupain na may mainam na irigasyon ang masasakop ng proyektong ekspansyon ng airport.

Dagdag pa ng KMP, posibleng madamay din ang malalawak na lupang sakahan na magdudulot ng pagbaba ng produksyon ng bigas, dahilan ng pagtutol ng iba’t ibang samahan sa proyekto.

Anila, posibleng konektado ang pag-aresto sa komprontasyon noong Abril 2018 sa pagitan ng Dampa at ng mga Villafueste, dinastiyang politikal sa Camarines Sur.

Samantala, sinisikap ng KMP ang apat na nadakip na magsasaka. Giit nila, harassment ang pag-aresto at malinaw na paglabag sa karapatang pagdepensa ng mga may-ari ng lupain.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Vantage Point | Hazing and the culture of violence

The death of Adamson University student John Matthew Salilig at

Poverty isn’t really falling, govt can do more – IBON Foundation

The last big release of official statistics for