Libong opereytor, drayber, kumalas sa konsolidasyon  – Pinoy Weekly

September 2, 2024


Pinangunahan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang pagtitipon ng mahigit 1,000 drayber at opereytor sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang maghain ng withdrawal sa franchise consolidation nitong Ago. 27.

Ayon sa Department of Transportation, malayang kumalas sa Public Transport Modernization Program ang mga drayber at opereytor na nagpakonsolida ngunit iginiit na ang mga drayber at opereytor din ang mahihirapan kung sakaling magwi-withdraw sila sa programa.

Tiniyak naman ng Piston na unang bugso pa lang ang mahigit 1,000 nag-withdraw ng aplikasyon. Ayon kay Piston president Mody Floranda na planong tumakbong senador sa halalan sa 2025, marami pa ang lumalapit sa kanila hinggil sa proseso ng pag-urong ng aplikasyon.

“Madadagdagan pa [ang mga magwi-withdraw] at hindi lamang dito sa NCR (National Capital Region) kundi sa iba’t ibang rehiyon dahil madami na ang nagpapa-abot sa atin na humihingi ng tulong,” ani Floranda.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » Mga estudyante ng FEU, nagprotesta para sa Palestine

Nagpiket sa harap ng Far Eastern University (FEU) sa Morayta,

Jinggoy HINDI sinibak sa Senado

May YouTube video na nagsasabing natanggal sa Senado si Jinggoy