Mabuhay ang isang dekadang pagkakaisa ng mga magsasaka at mamamayan ng Bicol at makasaysayang pagbunot sa peligrosong GMO na Golden Rice – updates from the peasant movement of the Philippines

Albay — Magtitipon-tipon ngayong araw ang mga magsasaka at iba pang sektor kabilang ang mga mangingisda, kabataan, kababaihan, taong simbahan, propesyunal, academe, syentista, NGO at konsumer sa buong rehiyon ng Bikol upang gunitain ang ika-isang dekada ng makasaysayang pagtutol ng mga mamamayan sa kontrol ng mga korporasyon sa binhi, teknolohiya, lupa at karapatan ng mga magsasaka sa GMO at Golden Rice.

Magkakaroon ng asembliya ang SIKWAL GMO ngayong umaga sa Oas Community College at sa hapon naman ay dayalogo sa LGU ng Ligao City, Albay at pupuntahan ang opisina ng PhilRice sa Barangay Batang kung saan may nakatanim na Golden Rice upang maghapag ng paninindigan ang SIKWAL GMO.

Muling ipapahayag ng mga kasaping organisasyon at indibidwal ang “Deklarasyon ng Pagkakaisa” sa pagtutol sa GMO at Golden Rice. Sa pakikipag-usap kay Mayor Fernando Gonzales at sa buong LGU ay umaasa ang mga magsasaka na sila ay makakuha ng positibong tugon.

Matatandaang noong Agosto 8, 2013, sama-samang tinutulan ng mga magsasaka at taga-suporta nito ang planong pagpapalaganap ng peligrosong Golden Rice sa bansa at sabay-sabay nilang binunot ang mga nakatanim na GMOng palay sa Regional Field Unit ng Department of Agriculture sa Pili, Camarines Sur. Ayon sa mga proponente ng nasabing teknolohiya, ito daw ang kanilang solusyon sa kakulangan sa Bitamina A ng mga bata at kababaihan subalit lumabas mismo sa kanilang sariling pag-aaral na hindi sapat ang dami ng nalilikhang Beta Carotene ng Golden Rice upang maging sapat na source ng Vit A ng isang tao.

“Hindi kami mangingiming ulitin ang pagbubunot ng mga nakatanim na Golden Rice kung kinakailangan para ito ay matutulan at hindi mapahintulutang maibenta at mabili sa mga palengke o tindaan at hindi ito maitanim sa aming mga sakahan. Hindi na lamang sa Bikol kundi gagawin namin sa buong bansa. Sapat ang naipon naminaming karanasan, lakas at lawak sa buong bansa upang mas malakas na mangampanya laban sa GMO gaya ng Golden Rice at BT Talong.“ Pahayag ni Fernando DeChavez, tagapagsalita ng SIKWAL GMO.

Noong nakaraang taon mula sa ibat-ibang samahang magsasaka, syentista, civil society at leaders ay nagsampa ng petisyon sa korte suprema upang hilingin ang Writ of Kalikasan with continuing mandamus upang ipatigil ang komersyal na propagasyon ng Golden Rice at BT Talong na parehong GMO na ginawa upang ibenta at ipakain sa mga mamamayang Pilipino.

Dahil sa pagkakaisa at malawak na pagtutol ay naglabas ng desisyon ang Korte Suprema noong Abril 19, 2023 sa pag-isyu ng “Writ of Kalikasan” at pagkilala nito na may batayan ang pagtutol at pagsusuri sa Golden Rice at GMO at dapat sagutin ng mga proponent at ahensya ng pamahalaan at institusyon na sangkot sa proyekto. Kaugnay nito, pinapanawagan din ng mga magsasaka at malawak na mamamayan na mabigyan ng Temporary Environmental Protection Order o TEPO para tuluyang ipatigil ang pagtatanim, pagbebenta at pagpapakain ng Golden Rice sa mamamayan.

“Kami ay nangangamba na ang pagpapatuloy ng pagtatanim ng Golden Rice ay magdudulot ng kontaminasyon sa ating mga binhi lalo na ang mga katutubo at tradisyunal na mga binhi ng palay na kasalukuyan naming itinatanim at kinakain. Sa katangian ng produksyon ng palay sa ating bansa, ay siguradong magiging mabilis ang kontaminasyon ng mga GMO na ito sa mga hindi GMO na palayan o sakahan dahil sa mga ginagamit na makinarya at post harvest post harvest facilities,” patuloy ni Ka Pando.

Ayon sa SIKWAL GMO, walang ibang alternatibo kundi ang pagpapalaganap at pagsasagawa ng likas-kayang pagsasaka na dibersipikado at ang kolektibisasyon ng produksyon. Pagsusulong sa pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) para sa pagkakamit ng sariling kasapatan sa pagkain at tunay na pagpapaunlad sa lokal na agrikultura at kanayunan.

“Tanging ang pagkakaroon ng sariling lupang sinasaka at tinataniman at pagkakaroon ng sapat at wastong suportang serbisyo sa pagpapaunlad ng agrikultura ang magtitiyak ng sapat, ligtas at abot-kayang pagkain para sa lahat,” pagtatapos ni Fernando DeChavez. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Malayang pagpapahayag, giit ng makabayang artista – Pinoy Weekly

Binuksan sa publiko ang eksibit na “Warm Bodies: Defending the

Lumad schools accuse military of murdering yet another teacher

A network of Lumad schools accused the Armed Forces of