Makabayan, magpapatakbo ng 12 senador sa 2025 – Pinoy Weekly

July 13, 2024


Inanunsiyo ng Makabayan Coalition sa isang press conference nitong Hul. 10 na magpapatakbo ito ng 12 senador sa eleksiyon sa 2025 upang isulong ang mga makabayan at demokratikong interes ng mamamayan.

Itataguyod ng Makabayan sa darating na halalan ang isang komprehensibong programang pambansa-demokratiko na tutugon sa mga mayor na suliranin ng mamamayan katulad ng kaunlaran para sa nakararami, respeto sa karapatan at ganap na pambansang soberanya.

Kabilang sa mga isusulong ng senatorial slate ng Makabayan ang pagdistrongka sa lahat ng instalasyon ng China sa West Philippine Sea at pagkuha ng suporta ng Vietnam at Brunei para ipagtanggol ang mga teritoryo sa nasabing katubigan na inaangkin ng China.

Ipinahayag din ng koalisyon ang kanilang paninindigan para sa isang independent foreign policy at binigyang-diin ang papel ng Amerika sa mga tensiyon at pang-uupat nito ng giyera sa rehiyon.

Handa rin umanong silang makipagtulungan para isulong ang tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, pagpapataas ng sahod, paglaban sa korupsiyon at pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Tuloy ang Laban!

Statement on the 51st Anniversary of Martial Law On September

Russia Destroys Last Ukrainian Warship

On Wednesday, the Russian Defense Ministry announced that the last