Manggagawa, nanawagang pagtibayin ang tratado para sa ‘gig workers’ – Pinoy Weekly

Manggagawa, nanawagang pagtibayin ang tratado para sa ‘gig workers’ – Pinoy Weekly


Nagkaisa ang mga labor group sa bansa na ipinawagan sa gobyerno ang agarang ratipikasyon sa bagong ipinasang International Labour Organization (ILO) Convention No. 193 (C193) o ang Decent Work in the Platform Economy Convention.

Inaprubahan ng ILO ang C193 nitong Hunyo 12 sa Geneva, Switzerland bilang kauna-unahang pandaigdigang kasunduan na nagtatakda ng mga legal na pamantayan para sa proteksiyon, sapat na sahod at karapatang mag-unyon ng mga manggagawa sa mga app at platform economy.

Ayon sa BPO Industry Employees Network (BIEN) at Federation of Free Workers (FFW), isang makasaysayang tagumpay para sa milyon-milyong gig workers ang tratadong pinirmahan ng 406 na bansa.

Para kay BIEN vice president Christine Agan, hindi na dapat hayaang makatakas sa responsibilidad nila sa mga manggagawa. Sa ngayon kadalasang itinuturing bilang  independent contractors lamang ang mga manggagawa, ibig sabihin, walang benepisyo o karapatan.

“Technology should improve workers’ lives, not become a tool to strip them of their rights,” ani Agan.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Dick Pacioles ng Ninja Van Riders Union na itinatag ng C193 ang unang pandaigdigang panuntunan na nag-aatas ng transparency at makataong pagrepaso sa mga desisyon ng mga app.

Ayon pa kay Pacioles, malinaw na mensahe ang kasunduang ito sa mga platform na “behind every app is a human being, and behind every delivery is a worker who deserves dignity.”

Sinabi naman ni FFW president Sonny Matula, umaayon ang C193 sa mga naging desisyon ng korte sa Pilipinas laban sa Lazada kung saan tiningnan ng hudikatura ang realidad ng relasyon sa pagtatrabaho kaysa sa nakasulat na kontrata.

Samantala, nakiisa rin ang Kilusang Mayo Uno sa panawagang ratipikasyon matapos lumahok sa dalawang taong konsultasyon sa iba’t ibang grupo sa Asya-Pasipiko, bagaman may mga probisyon silang tinutulan bunsod ng tripartite framework ng ILO.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning