Mga lider-simbahan, kinondena ang ‘government crackdown’ sa mga aktibista

September 26, 2023


Ni MARC LINO ABILA
Pinoy Weekly

Nanawagan ang Caritas Philippines, ang humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na itigil na ng gobyerno ang crackdown sa mga environmental activist at irespeto ang kanilang mga karapatan.

Inilabas ng Caritas Philippines ang pahayag matapos ang press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) noong Setyembre 19 sa Plaridel, Bulacan kung saan isiniwalat nina Jonila Castro at Jhed Tamano ang katotohanan sa pagdukot ng militar sa kanila sa Orion, Bataan noong Setyembre 2.

Parehong volunteer sina Castro at Tamano ng Akap Ka Manila Bay na nagsasagawa ng pananaliksik sa mga komunidad na apektado ng mga proyektong reklamasyon sa mga lalawigan sa palibot ng Manila Bay.

“Malinaw na ang pagdukot ng gobyerno kina Castro at Tamano ay tangka upang patahimikin ang mga environmental defender at takutin ang mga mangangahas na magsalita laban sa mga mapanirang proyektong pangkaunlaran,” wika ni Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa isang pahayag sa Ingles.

Sabi naman ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na inilantad ng pagdukot sa dalawa na mga puwersa ng estado ang mga salarin sa mga pagdukot ng mga aktibista. Nanawagan din siya na protektahan ang mga karapatan ng mga aktibista at panagutin ang NTF-Elcac at Department of National Defense sa mga kaso ng paglabag.

Hinimok din ni Alminaza ang mga komunidad ng mga mananampalataya na maging bahagi ng “ilog ng katarungan at kapayapaan” upang isulong ang katarungang pangklima at pang-ekolohiya.

Maliban kina Bagaforo at Alminaza, nagsalita rin ang ibang Kristiyanong lider sa nangyaring pagdukot sa dalawang environmental activist.

Sinabi nina Retired Bishop Ciriaco Francisco ng United Methodist Church at Rev. Emelyn Gasco-Dacuycuy ng Iglesia Filipina Independiente sa isang pahayag ng Ecumenical Bishops’ Forum na dapat nang tantanan ng mga elemento ng militar at pulisya sina Castro at Tamano at hayaang tahakin ng dalawa ang kanilang piniling landas na ipagtanggol ang kalikasan.

Samantala, isang magandang pagkakataon naman ito para sa CBCP Public Affairs Commission na panagutin ang NTF-Elcac, ayon kay Atty. Antonio La Viña ng Klima Center ng Manila Observatory.



Source link

Don't Miss

Alert of Some Cases of Cholera in Dominican Republic

Several deaths from dehydration in the municipality of Enriquillo have

Attack by Above-Water Drones on Sevastopol Repelled | News

The recent assault via aerial drones on the vicinity of