Mga magsasaka nagmungkahi sa NIA ng mga dapat gawin bilang paghahanda sa El Nino – updates from the peasant movement of the Philippines

Sa isang dayalogo kasama ang National Irrigation Administration (NIA), nagmungkahi ang mga magsasaka ng mga nararapat na hakbang para matugunan ang pangangailangan para sa tubig laluna at papalapit na ang pagtama ng El Nino sa bansa. Kabilang na sa mga kagyat na hakbang na dapat gawin ng NIA ang “effective use and management of water resources, restoration of irrigation systems at construction of climate-resilient irrigation systems and facilities,” ayon sa KMP.

“Kayang mapababa ng mula 20 hanggang 30 porsyento ang paggamit ng tubig sa mga sakahan ng palay basta epektibo at mahusay ang pag-manage ng NIA ng tubig. Hindi kailangang alisan o bawasan ng tubig para sa irigasyon ng mga magsasaka natin sa Pampanga at Bulacan,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano.

Sa pagtitipon ng NIA sa San Fernando, Pampanga noong Mayo 4, iniharap ng KMP kay NIA Administrator Eddie Guillen ang naturang mungkahi ng mga magsasaka. Nasa poder ng NIA ang Irrigations System Development Program at para sa fiscal year 2024, humihiling ang ahensya ng budget na P36.14-bilyon para sa programang ito.

“Dapat maaga pa lang nakapusisyon na rin ang mga pantulong sa ating mga magsasaka laluna ang para sa seeds subsidies, at iba pa. Para maaga silang makapagtanim,” ayon pa kay Mariano na dati ring Kalihim ng Department of Agrarian Reform.

“May mga solusyon at paraan na makakayang gawin para hindi paggawa ng mga megadam ang palaging default solution ng gobyerno sa pangangailangan ng tubig,” sabi ni Mariano.

Bukod sa mahusay na paggamit ng tubig, dapat na ring gawing malaganap ang pagtatanim ng climate change resilient rice varieties na matibay sa tumitinding climate change na nakakaapekto sa agrikultura gaya ng tagtuyot, baha at saltwater intrusion. Ang grupo ng mga siyentista-magsasaka na MASIPAG ay nakapag debelop na 18 drought-tolerant, 12 flood-tolerant, 20 salt-water tolerant at 24 pest and disease tolerant varieties ng palay mula sa kanilang mga farmer-breeders. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss