Mga neoliberalistang upisyal sa ekonomya, pinatatalsik

September 20, 2023


Nagsagawa ng motorcade noong Setyembre 18 ang anim na grupo sa agrikultura para igiit ang pagpapatalsik sa pwesto ni Sec. Benjamin Diokno ng Department of Finance, at ang pinuno ng National Economic Development Authority na si Sec. Arsenio Balicasan.

Ito ay matapos mapabalita na itinutulak ng dalawa ang pagpapababa hanggang lubusang pagtatanggal ng taripa sa imported na bigas ngayong papasok na sa panahon ng anihan ng palay.

Naglunsad ng maiiksing programa ang mga grupo sa harap ng mga upisina ng mga protesta sa mga upisina ng Foundation for Economic Freedom, Office of the Philippine Tariff Commission, Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry at Department of Finance.

“Sentensyang kamatayan sa mga magsasaka at konsyumer ang pakana nina Diokno at Balisacan na bawasan ang kasalukuyang 35% taripa tungong 10% hanggang zero (wala) sa imported na bigas,” pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa araw na iyon.

Panawagan ng grupo, patalsikin si Diokno at Balisacan dahil kinakatawan nila ang neoliberal na interes ng malalaking komersyante at importer. Mariin din nilang binatikos ang napapabalitang planong itatalaga bilang kalihim ng Department of Agriculture si Balisacan.

“Tanging mga importer ng bigas at malalaking komersyante ang makikinabang sa pagpapababa o pagtatanggal ng taripa sa bigas,” pahayag ng grupong Amihan.

“Pagpapakita ito ng pagiging sunud-sunuran ng DOF sa dikta ng WTO (World Trade Organization) na ipatupad ang mga neoliberal na polisiya sa kabila ng pinsala nito sa kabuhayan ng mga magsasaka at kabiguan nitong ibaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan,” ayon sa mga magsasakang kababaihan. Ayon sa nakalap na mga ulat ng grupo, sumadsad na ang presyo ng palay tungong P3-P6 kada kilo mula nang ipatupad ang pakitang-taong price control ni Marcos Jr sa presyo ng bigas. Lalupang babaratin ang lokal na palay kung babaha ang milyun-milyong toneladang imported na bigas sa merkado.

Naglabas ng pinag-isang pahayag ang anim na grupo na binubuo ng KMP, SINAG, Federation of Free Farmers, Philippine Confederation of Grains Associations o PHILCONGRAINS, Pambansang Mannalon, Mag-uuma, Magbabaul, Magsasaka ng Pilipinas, at National Movement for Food Sovereignty.

The post Mga neoliberalistang upisyal sa ekonomya, pinatatalsik appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » Mga mangingisda sa Navotas, tumutol sa pagbaklas sa kanilang mga tahungan at baklad

Nagrali ang mga mangingisdang kasapi ng Pambansang Lakas ng Kilusang

Political detainees hold protest fast on BBM’s 3rd SONA

Political detainees hold protest fast on BBM’s 3rd SONA –