Mga protesta

December 7, 2023


 

Ika-160 araw ni Bonfacio, ginunita. Ginunita ang Araw ni Bonifacio ng mga pambansa-demokratikong pwersa sa Metro Manila, Cebu, Bacolod, Iloilo at Davao noong Nobyembre 30. Panawagan nila ang dagdag-sahod, trabaho, pampublikong serbisyo, karapatan at kalayaan. Kasamang nagmartsa ang mga kabataang myembro ng Anakbayan, na nagdiwang ng kanilang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag sa parehong araw.

Martsa para sa Palestine. Magkasamang nagmartsa ang daan-daang aktibista at Moro sa Maynila noong Nobyembre 25 ng hapon para igiit ang makatarungang kapayapaan sa Palestine at kagyat na pagpapatigil sa kampanyang henosidyo at pambobomba ng Zionistang Israel sa Gaza. Balak nilang dumaan sa embahada ng US pero hinarang sila ng mga pulis. Nagmartsa sila mula Luneta tungong Cultural Center of the Philippines sa Roxas Boulevard kung saan itinuloy nila ang kanilang programa.

The post Mga protesta appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Atake ng 9IBPA, binigo ng NPA

July 12, 2023 | Aktibong nakadepensa ang yunit ng Armando

What is China’s future? Economic decline, or the next industrial revolution?

Political economists Radhika Desai and Michael Hudson are joined by