Mga simbahan, inaanyayahang makilahok sa ‘Red Wednesday’ – Pinoy Weekly

November 26, 2023


Inaanyayahan ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mga simbahan at mga Kristiyano sa bansa na makilahok sa Red Wednesday sa darating na Nob. 29 para sa “pag-alala para sa mga kapatid na inusig at inuusig dahil kay Kristo.”

May temang “Embracing Persecuted, Oppressed, and Needy Christians” ang Red Wednesday ngayong taon upang itampok ang “pastoral na gawain ng Simbahan sa pagsuporta sa mga Kristiyano mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.”

“If possible, the building of the Churches, schools, hospitals, houses, and other institutions is to be illuminated and/or decorated in red,” ani ACN Philippines administrator Fr. Jaime Marquez.

“The local Church may also encourage the faithful to wear red on that day as [a] remembrance for the shed blood of Christ on the Cross as persecuted and martyred and for the blood of our persecuted brethrens,” dagdag niya.

Ang “Red Wednesday” ay nagsimula pa noong 2015. Sa Simbahang Katoliko, sinasagisag ng kulay pula ang dugo ng mga martir na namatay sa kanilang pananampalataya kay Kristo.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Kiev Preparing Large-scale Provocation In NortheastSouth Front

PRWC » Hindi myembro ng NPA si Nino Henera

Kinukundena namin ang paulit-ulit na paggamit ng Casiguran Municipal Police