Sa mundo ng mga mapagmahal na tao, ang sagot sa matamis na relasyon: effort.
Bukod sa magkasama kayo sa kahit anong pagsubok, dapat subukan rin natin mag-ingay o ‘di kaya mag-effort para sa ating kasama sa buhay. Ang kasama at ang mahal natin sa buhay ay hindi lang basta nariyan, kailangan natin silang suportahan at mahalin nang tunay.
Maraming puwedeng ibuhos na effort, pero ang alay ko ngayon ay para gumanda ang Instagram feed na iyong minamahal sa buhay.
Ang social media feed na kasama ang Facebook, Instagram at iba pang social media platform ay nagsisilbing freedom wall o lulan ng sining at karakter.
Sa feed nila malalagay kung ano ginagawa sila sa buhay nila tulad ng kung saan sila nagpunta o ‘di kaya kung ano ang latest na update sa tao na ‘yon.
Bilang photographer, hindi ako sanay kumuha ng retrato nang hindi ko sinasabi kung saan pupuwesto o paano mag-pose ang aking karelasyon. Naging expert na nga ako, kaya ito ang ilan sa susunod na puwedeng sundan kapag may outing kayo ng iyong minamahal:

Damihan mo mga retrato
Namimili palagi ‘yang si partner. Madalas kasi may hinahanap silang “good side” nila. Pero ‘wag ka mag-alala! Tadtarin mo pa ’yong shutter ng kamera mo parang superstar ang iyong minamahal.
Sabihin mo sa kanyang magsuot ng magandang damit o ang paborito niyang OOTD
Kahit hindi engrande ang inyong date, maganda kung may kumpiyansa at maganda ang pakiramdam ng iyong minamahal, para maganda ang kakalabasan ng retrato niya. At dapat magsuot ka rin ng maayos na damit, dahil bida ka rin sa relasyon niyo. Magsuot ka na rin ng polo at mag-ayos na ng buhok.
Mag-plano ka kung saan kayo pupunta
Pangunahan mo na kung saan may magandang background na nakaayon sa kanyang pananamit. Puwede din sa mga lugar na “IG worthy” tulad ng mga museo, public park, beach at iba pa.
Kailangan habaan ang pasensiya
Sa init ng panahon, kailangan mo ring maghintay para makuha ang gusto niyong retrato. Kahit na matagal kayo sa initan, dapat kalmado ka. Kayo pa rin ang magkasama sa huli.
I-enjoy n’yo ang moment n’yong dalawa
Instagram boyfriend ka, pero magkarelasyon pa rin kayo. Mahalaga ang oras niyo sa isa’t isa kasi dito kayo nabubuo.

Sa huli, ang tunay na “effort” ay hindi lang sa perpektong retrato o IG-worthy na feed— ito’y sa pagmamahal na ipinapakita mo sa bawat na retrato na kinuha mo sa kanya at mga mata ng kumuha sa puso mo.
Ugaliin natin magsabi ng “mahal kita” para sa sigurado nakangiti siya habang kinukuhanan mo siya ng retrato.
