Paano makakatipid ng tubig – Pinoy Weekly

May 6, 2023


Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pamasahe at iba pang gastusin habang hindi naman tumataas ang sahod ng ordinaryong manggagawa, paano nga ba tayo makakatipid pagdating sa ating konsumo at bayarin sa tubig lalo ngayong tag-init?

Naglista kami ng ilang mga simpleng tip na maaari ninyong sundan.

  1. Maging wais sa paglalaba. Minsanang labhan ang mga damit upang makatipid sa tubig. Huwag hayaang umaapaw ang tubig habang nagbabanlaw at huwag ding itapon ang pinagbanlawan. Ipunin sa isang drum ang pinagbanlawan ng damit at maaari itong gamitin pangbuhos sa kasilyas.
  2. Suriin kung may mga tumatagas na tubo. Ang isang maliit na patak mula sa gripo ay maaaring mag-aksaya ng ilang galon na tubig kaya naman dapat lamang na siguraduhing walang tumutulo na gripo o tumatagas na tubo sa daanan ng tubig.
  3. Ipunin ang tubig ulan. Pwede itong magamit pandilig ng mga halaman, panlinis sa bahay at pambuhos sa kasilyas.
  4. Gumamit ng plangganita sa pagbabanlaw ng mga kubyertos. Tanggalin muna ang mga tirang pagkain upang mapadali ang paghuhugas. Huwag hayaang nakabukas ang gripo sa pagbabanlaw ng mga plato, kutsara o baso upang makatipid. Gawin din ito sa paghuhugas ng mga gulay at prutas sa halip na tuloy-tuloy na tubig mula sa gripo.
  5. Magdilig ng mga halaman bago sumikat ang araw. Mainam ang pagdidilig bago sumikat ang araw upang makabawas sa water loss na dulot ng pag-evaporate ng tubig kung nakasikat na ang araw. Bukod pa rito, maiiwasan din ang pagtubo ng mga fungus na maaaring magdulot ng sakit sa halaman.

Maging responsable tayo sa paggamit ng tubig. Bukod sa matitipid natin na gastos sa binabayaran kada buwan, makakatulong din tayo sa enerhiyang pinagkukunan ng tubig sa pangkalahatan. 

Avatar



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

UN Allocates 18 Mln USD to Address Food Security in Yemen

On Tuesday, UN humanitarians reported that 18 million U.S. dollars

BRICS Summit Will Be Held in Person in South Africa | News

Next August, Pretoria will hold the BRICS meeting. The 5