Pagbabasbas sa same-sex couples, aprubado ng Vatican – Pinoy Weekly

December 20, 2023


Sa isang makasaysayang pahayag ng Vatican, inaprubahan ni Pope Francis ang pagbibigay ng basbas ng mga pari ng Simbahang Katoliko sa mga same-sex couple.

Gayunpaman, ipinaalala rin nito na hindi ito dapat maging bahagi ng mga regular na ritwal o liturhiya ng Simbahan.

Kaiba mula sa pahayag noong 2021, isang dokumento mula sa doctrinal office ng Vatican ang nagsasabi na ang basbas para sa mga same-sex couple ay hindi magiging lehitimo sa mga normal na sitwasyon kundi senyales na tintanggap ng Diyos ang lahat.

Hindi ito dapat ikalito sa sakramento ng kasal sa pagitan ng isang babae at isang lalaki, dagdag nito.

Sinabi rin nito na ang mga pari ay dapat magpasya sa isang case-by-case basis at “hindi dapat hadlangan o ipagbawal ang pagiging malapit ng Simbahan sa mga tao sa bawat sitwasyon kung saan maaari silang makahanap ng pagpapala ng Diyos.”

Ipinahiwatig din ng Santo Papa na may opisyal na pagbabago bilang sagot sa mga tanong na iniharap ng limang konserbatibong kardinal sa pagsisimula ng isang synod ng mga obispo sa Vatican nitong Oktubre.

Pinamagatang “‘Fiducia Supplicans’ on the Pastoral Meaning of Blessing” ang walong pahinang deklarasyon na inilabas noong Dis. 18. May isang 11-point section ito na “Blessings of Couples in Irregular Situations and of Couples of the Same Sex.”

Nilinaw naman ni Cardinal Victor Manuel Fernandez ng Dicastery for the Doctrine of the Faith na nananatiling ang paninindigan ng Simbahan sa “tradisyonal na doktrina ng Simbahan hinggil sa kasal.”

Binigyang-diin din ni Fernandez na ang bagong pasya ay hindi validation ng status ng mga same-sex couple sa mata ng Simbahan.

Ang deklarasyon, aniya, ay kumakatawan sa “softening tone” ng Simbahang Katoliko, pero hindi pagbabago ng stance hinggil sa same-sex marriage.

Noong 2021, sinabi ng Santo Papa na hindi dapat bigyang-basbas ang same-sex marriages dahil hindi maaaring pagpalain ng Diyos ang “kasalanan.”

Itinuturo ng Simbahan na ang same-sex attraction ay hindi makasalanan, ngunit ang mga gawaing homosexual ay makasalanan.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

PRWC » Ayaw madinig ni Marcos ang hinaing ng bayan sa SONA

Ang artikulong ito ay may salin sa English Nakikiisa ang

PRWC » Marcos Jr, hinabol ng protesta sa US

Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga migranteng Pilipino sa