Pagpupugay sa bandila ng Pilipinas – Pinoy Weekly

May 28, 2024


Marahil karamihan sa atin na ang pagkakaalam na Hunyo 12, 1898 ang unang araw na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Pero ayon sa mga historyador, Mayo 28, 1898 unang iwinagayway ito matapos ang isang matagumpay na labanan ng mga Katipunero laban sa puwersa ng Espanya sa Imus, Cavite. Pormal itong isinapubliko noong Hunyo 12, 1898.

Sa bisa ng Presidential Proclamation 74 noong Marso 6. 1965, idineklarang Pambansang Araw ng Watawat ang Mayo 28. Pinahaba ang pagdiriwang o pagpupugay sa pambansang watawat noong May 23, 1994 sa bisa naman ng Executive Order No. 7. Hinihikayat nito na mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 kada taon, sa lahat ng pampublikong lugar, pasilidad, gusali ng pamahalaan at maging sa mga pribadong lugar, gusali at tahanan na magsabit ng pambansang watawat bilang pagpupugay.

Masalimuot ang pinagdaanang ebolusyon ng ating pambansang watawat. Kaakibat nito ang pakikibaka ng ating mga mga ninuno tulad nina Andres Bonifacio, Antonio Luna, Macario Sakay at iba pang mga miyembro’t personahe ng Katipunan at Rebolusyong Pilipino.

May iba’t ibang disenyo at kulay ang mga watawat sa panahon ng pakikidigma ng mga Katipunero laban sa mga Kastila. Ayon na rin sa mga historyador, karamihan sa mga bandilang ito ang sumisimbolo sa bawat grupo ng mga Katipunero na wagayway nila habang sila’y nakikidigma.

Personal na watawat naman ang tangan ng iba. Tulad halimbawa ni Heneral Mariano Llanera na tubong Nueva Ecija at naglunsad ng pakikidigma sa kalapit na lalawigan ng Bulacan, Tarlac at Pampanga. Isang itim na tela na may kulay puting letrang K sa kaliwa at bungo’t dalawang espada sa kanan. Tatlong kulay naman na itim, pula at bughaw ang kay Heneral Gregorio del Pilar.

Tinahi ang kasalukuyang disenyo ng pambansang watawat noong 1898 ni Marcela Agoncillo katuwang ang anak na si Lorenza at Delfina Herbosa de Natividad habang nakadistiyero sila sa Hong Kong kasama ang pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Military Situation In Donbass On June 16, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image Russian artillery struck the AFU

US Sends a $250 Million Military Aid Package to Ukraine

On Tuesday, the United States announced the shipment of a