Pagtaas ng matrikula sa La Salle, tinutulan – Pinoy Weekly

February 13, 2024


Binatikos ng mga estudyante ng De La Salle University (DLSU) sa Maynila at Laguna ang balak ng administrasyon ng pamantasan na 9.21% na pagtaas ng matrikula sa susunod na akademikong taon.

Nagkakaisa ang mga mag-aaral sa panawagang “Tuition freeze, don’t increase!” sa protesta sa loob ng kampus sa Malate, Maynila na kasabay ng pulong Multi-Sectoral Consultative Committee on Tuition Fee noong Ene. 31.

Nagkaroon din ng unity walk ang mga mag-aaral sa kampus ng DLSU sa Biñan City, Laguna sa parehong araw.

Pinangunahan ng University Student Government ang kilos-protesta ng mga estudyante sa loob ng kampus ng De La Salle University sa Maynila noong Ene. 31 para tutulan ang nagbabadyang pagtaas ng matrikula. DLSU USG/Facebook

Sa sarbey ng DLSU University Student Government, nasa 98% ng mga mag-aaral ang tutol sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa pamantasan.

Mahigit 50% din ng mga mag-aaral ang nahihirapan sa pagbabayad ng matrikula at nanganganib na matigil sa pag-aaral. Nasa 65% naman ang maaaring lumipat sa ibang pamantasan sa mataas na matrikula.

Ayon sa Anakbayan Vito Cruz, “susuhay lamang sa interes ng mga kapitalistang edukador at magdadagdag lamang sa pasan na pahirap ng mga kabataan at ng kanilang mga pamilya sa kalagitnaan ng malawakang krisis pang-ekonomiya” ang nakaambang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

NTC wants judge handling website blocking case to inhibit

Photo by Carlo Manalansan/Bulatlat By ALYSSA MAE CLARINBulatlat.com MANILA —

VERA FILES FACT CHECK: NO decision to revive the Bataan Nuclear Power Plant 

A YouTube video claims that the Bataan Nuclear Power Plant