Pahayag ng Paninindigan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa mga amyenda sa RA 10845 o “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016” – updates from the peasant movement of the Philippines

Ipinapahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagsuporta nito sa mga panukalang amendments/pag-amyenda sa RA 10845 o “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016” partikular ang Senate Bills 2205, 1688 at 1891 at ilang probisyon sa Senate Bills 1812, 1962 at 2127 na dinidinig ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform joint with Justice and Human Rights; Ways and Means; and Finance.

  1. Bukod sa anti-smuggling, tama na idagdag ang umiiral na kalakaran ng hoarding, profiteering at cartel sa amyenda sa RA 10845. Nakita na hindi naging sapat at epektibo ang batas sa pagsawata sa malaganap na iligal na mga gawaing ito na lalong nagpapabigat sa kalagayan ng ating mga magsasaka at konsyumer.

Ilang dekada nang umiiral ang large-scale smuggling, hoarding, profiteering at operasyong cartel na isinasagawa ng mga “institutionalized cartel” sa iba’t-ibang industriya sa agrikultura — bigas, livestock, gulay, bawang at sibuyas, asukal at iba pa.

Lubos na nagtataka at nadisismaya ang mga magsasaka kung bakit sa kabila ng malaking badyet at rekurso ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) at mga binuo nitong Anti-Smuggling Task Force — wala pa ring napaparusahan sa mga nahuling smugglers at mas malala pa, ang pinakamalalaking kartel sa agrikultura ay hindi nabubuwag at namamayagpag pa hanggang sa ngayon.

  • Wasto na ituring ang mga gawain na agricultural smuggling, hoarding, profiteering at cartel bilang economic sabotage o pagsabotahe sa ekonomya. Dapat pa ngang ituring na heinous crime ang mga gawaing ito na nagwawasak sa kabuhayan ng mga magsasaka at lalong naglulubog sa sektor ng agrikultura.

Lubos na nakakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at local food producers ang smuggling, hoarding, profiteering at cartel. Dahil sa mga kriminal na gawaing ito, bumabagsak ang presyo ng mga lokal na produkto. Kabilang ang bigas, gulay, sibuyas, at iba pa sa binibili nang napakamura sa farmgate mula sa mga magsasaka. Sa kabilang banda, pinapabaha sa merkado at mga pamilihan ang smuggled na mga bigas, livestock, gulay, sibuyas at iba pa mula sa China at iba pang bansa. Sobrang dehado ng mga magsasaka sa kalagayang ito.   

Dapat kilalanin ng Senado at gobyerno na ang hoarding, profiteering at operasyong cartel sa agrikultura ay ibinunga at epekto na rin ng mga patakarang importasyon at todong liberalisasyon sa agrikultura.

Noong 2019, nasa 20% ng konsumong bigas ang inimport, pinakamataas na tantos ng importasyon mula 1994, dahil ito sa Rice Liberalization Law. Noong 2021, sa kasagsagan ng mataas na presyo ng produktong pork, nag-import ng dagdag na 250,000 MT dagdag na imported pork o pinakamataas na tantos ng importasyon ng karneng baboy sa kasaysayan. Binigyang bisa ng mga Sugar Orders ang walang tigil ang importasyon ng asukal — 440,000 MT noong 2022 at dagdag na 150,000 MT ngayon taon. Wala pa dito ang mga nasasabat na smuggled na asukal kada linggo sa mga pantalan.

  • Sinusuportahan namin ang pagtataas at pagpapalawig sa ipapataw na parusa sa mga sangkot at may pakana sa agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at cartel.

Ang unang hakbang para magawa ito ay mahuli ang mga nasa likod ng cartel at mafia sa agrikultura. Posible na nabibigyang proteksyon sila ng mga opisyal ng gobyerno, partikular ng DA at BOC at iba pa, kaya’t nakakalusot at walang nalilitis at nabibigyang ng karampatang parusa.

Matagal nang naisiwalat sa mga pagdinig sa Kongreso at Senado kung sinu-sino ang sangkot sa agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at cartel ng iba’t-ibang produkto subalit nagpapatuloy lamang sila sa kanilang mga negosyo at operasyon.  

  • Panghuli, bukod sa pagpapalakas sa Anti-Agricultural Smuggling Act at paglalagay ng pangil dito para masawata ang agricultural smuggling, hoarding, profiteering at cartel, kailangan ng todong pagsuporta at pag-ayuda sa mga magsasaka at local food producers para mapalakas ang lokal na produksyon ng pagkain.

Pormal na isinusumite ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform  ngayong Mayo 18, 2023. #

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Ang Bayan » CIF, inilipat sa pinakamasasahol na ahensya sa seguridad

Inilipat na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang confidential at

California Sues Major Oil Companies for Climate Risks

California has suffered extreme weather in recent years, which has