Nagpahayag ng dismaya si Danilo “Ka Daning” Ramos sa pamahalaan ni Bongbong Marcos na dapat sana ay unang tumutulong sa mga sinalanta ng bagyo. Ayon sa kanya, matindi ang hinarap ng mga magsasaka pangunahin sa Bikol dahil sa dumapong kalamidad sa rehiyon. Aniya, hindi pa natatamo ang lupa na matagal ng inaasam-asam ng mga magsasaka, pero inaatake pa ng bagyo at walang ibinibigay ang pamahalaan na tulong sa kanila. Claro M. Recto Avenue, Manila November 30, 2024 (JDM/Kodao)
