Panggigipit sa pahayagang pangkampus sa Leyte, binatikos

October 25, 2023


Kabi-kabilang pagbatikos ang kinaharap ng administrasyon ng Leyte Normal University (LNU) sa Tacloban City matapos gipitin nito ang pahayagan ng mga estudyante na An Lantawan. Noong Oktubre 23, nakatanggap ang pahayagan ng atas mula sa administrasyon na nagbabawal sa paggamit ng logo at pangalan ng kanilang publikasyon dahil hindi sila diumano “accredited.” Ayon sa mga mamamahayag at mga grupo, lantrang itong pagbusal sa malayang pamamahayag.

Ayon sa mga alumni ng An Lantawan, nagulat sila sa aksyong ito ng administrasyon na sinabi nitong “unang pagkakataon sa kasaysayan” na kinailangang magparehistro ng publikasyon. Kataka-taka din umano ang panahon at pagkakataon ng “akreditasyon” laluna at kasunod ito ng tuminding pakikialam ng administrasyon sa nilalaman ng publikasyon.

Sa nagdaang taon, binalaan ng LNU ang patnugutan ng An Lantawan matapos maglathala ito ng isang kritikal na artikulo kaugnay ng isang pampulitikang rali noong Abril 9, 2022. Noong Hulyo naman, sinampahan ng kasong cyberlibel ang punong patnugot ng pahayagan ng isang kandidato sa eleksyon ng konseho ng mga mag-aaral sa LNU. Gayundin, basta-bastang sinibak ang naturang punong patnugot at buong patnugutan noong Hulyo 28.

“Dagdag pa dito, sinabihan din ang An Lantawan na umiwas sa paglalabas ng mga upinyon at editoryal na kritikal sa kasalukuyang pampulitikang sitwasyon, ” pagbabahagi ng alumni ng pahayagan. Sa harap nito, anila, malinaw na may intensyong isensor ang pahayagan sa tabing ng administrasyon na “akreditasyon.”

Nagpahayag ng pakikiisa ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP)-Eastern Visayas at pambansang pamunuan ng CEGP sa publikasyon at mga mamamahayag nito. “Hindi tama ang ganitong taktika na ipasailalim sa kontrol ng administrayon ang naturang publikasyon dahil sila ay isang independyenteng institusyon na may editorial autonomy,” giit ng CEGP-Eastern Visayas.

Anila, ang panunupil na ito ay manipestasyon kung gaano ka-regresibo ang mga may-ari ng pamantasan sa Pilipinas na “layuning patahimikin ang mga boses na lumalaban at nagsisiwalat ng katotohanan.” Bilang suporta, pinatatampok ngayon ng mga mamamahayag ang kampanyang #WeAreAllAnLantawan o “kaming lahat ang An Lantawan”.

The post Panggigipit sa pahayagang pangkampus sa Leyte, binatikos appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » Papel ng ADB sa huwad na modernisasyon ng transportasyon, binatikos

Nagprotesta sa harap ng upisina ng Asian Development Bank (ADB)

Iran and US Conduct Prisoner Swap, Releasing 5 Each

On Monday, Iran and the United States conducted a prisoner swap,