PRWC » 2 detatsment ng militar, pinaputukan ng BHB-Negros

December 21, 2023


Tahimik na nakalapit at pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros ang dalawang detatsment ng militar noong nakaraang linggo.

Noong Disyembre 13, pinaputukan ng BHB-Central Negros ang patrol base ng 62nd IB sa Barangay Sandayao proper, Guihulngan City, Negros Oriental bandang alas 8:00 ng gabi. Dalawa ang nasugatan sa tropa ng 62nd IB.

Noon namang Disyembre 11, pinaputukan ng BHB-Southwest Negros ang detatsment ng 15th IB sa Sityo Pangi, Barangay Inayawan, Cauyan, Negros Occidental. Tahimik na nilapitan ng yunit ng hukbong bayan ang detatsment para bulabugin ang nagpapahingang mga sundalo.

Ang mga ito ay bahagi ng apat kada buwan na abereyds na armadong opensiba ng mga yunit ng BHB sa isla ng Negros sa nagdaang taon. Malinaw na sampal ito sa pahayag ng 3rd ID na papaubos na ang hukbong bayan sa isla at makakamtan na ang target na tuluyang “durugin” ang BHB.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

GRP-NDFP peace talks, itutuloy – Pinoy Weekly

Nagkasundo ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at

Pagsalba sa sobrang gulay – Pinoy Weekly

Nakakapanghinayang mabalitaan na napakaraming gulay ang nasasayang dahil walang mabagsakang