Binabati ng Jose Rapsing Command – NPA Masbate ang yunit ng BHB at mga masa sa matagumpay na pagpapasabog sa CAFGU ditatsment sa Barangay Manlut-Od sa bayan ng Placer nitong Marso 24, alas-11 ng gabi. Apat ang patay sa militar at CAFGU habang wasak ang tatlong kubo sa nasabing ditatsment.
Umabot na sa 17 patay at marami ang sugatan sa AFP-PNP-CAFGU sa tatlong magkakasunod na seryeng aksyong gerilya sa prubinsya. Nadagdagan ang kaswalti ng armadong pwersa ng estado matapos binawian ng buhay ang tatlo sa kanilang pitong sugatan sa nangyaring operasyong haras sa Barangay Locso-an, Placer at sa panibagong opensiba ng BHB sa Barangay Manlut-Od sa kaparehong bayan.
Sa pagsapit ng ika-54 anibersaryo ng pagkatatatag ng Bagong Hukbong Bayan, hindi matatawaran ang ambag ng masa sa matatagumpay na aksyong gerilya sa Masbate.
Hindi matutumbasan ang galit ng masa sa AFP-PNP-CAFGU kung saan sila mismo ang nagkukusang ipabatid sa Hukbo ang mga pwesto at himpilan nito. Ilan sa kanila ay boluntaryong sumabay, naglook-out at sumubaybay sa kilos ng pasistang militar at pulis upang iulat sa kasama. Marami sa kanila’y nagpultaym sa NPA at sumabay sa mga naturang taktikal na opensiba!
Sa ilalim ng umiiral na batas militar sa prubinsya, matinding takot at teror ang hatid ng palagiang presensya ng armadong pwersa ng estado sa komunidad at mga paaralan. Subalit hindi ito naging hadlang upang ipadama ng masang Masbatenyo ang kanilang galit sa AFP-PNP-CAFGU. Sila mismo ang humihiling sa Hukbo na maglunsad ng aksyong gerilya laban sa mga pasistang armadong grupo ng estado.
Matagal ng ginagalugad ng AFP-PNP-CAFGU ang mga komunidad maging mga eskwelahan sa tabing ng umano’y proyektong pangkaunlaran sa prubinsya. Sapilitan nilang nirerekrut ang mga kalalakihan laluna ang kabataan sa CAFGU at kinukimbinsing mag-Army kapalit ng pangakong matatanggap na sahod.
Anumang pagtatakip sa kanilang kabiguan, batid ng masang Masbatenyo kung sino ang tunay na lumalabag sa makataong batas ng digma. Mismong mga guro at estudyante ang makakapagpatunay kung sino ang gumagamit ng mga pampublikong pasilidad upang gawing pananggalang sa kalaban. Higit ninuman, batid ng masang Masbatenyo na ang AFP-PNP-CAFGU ang tunay na mga terorista.
Sa katunayan, ipagdiriwang ng Pulang Hukbo at masang Masbatenyo ang ika-54 anibersaryo ng NPA na linalabanan ang panibagong bugso ng malaking operasyong militar sa prubinsya. Walang problema. Habang nasasabak sa apoy ng digmaan, lalong napapanday ang pagkakaisa ng Hukbo at masa sa landas ng demokratikong rebolusyon.