Desperadong modus sa pagpapasuko ng 87th IB, inaayawan ng masa sa Western Samar

March 25, 2023

Mariing tinanggihan at tinutulan ng masang magsasaka ng Western Samar ang kriminal na modus operandi ng 87th IB ng Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Lt. Col. Betinol na pagpapasuko ng diumano’y mga “former rebel” sa iba’t-ibang barangay sa prubinsya.

Makailang ulit na ipinatawag ni Betinol ang mga upisyal ng mga barangay upang ipilit ang hungkag na pakikipagtulungan para sa “kapayapaan at kaunlaran.” Mapanlinlang na inengganyo ni Betinol ang mga barangay official na magpasuko ng mga myembro ng Bagong Hukbong Bayan at mga dating kasapi nito sa kani-kanilang nasasakupang baryo kapalit ng halagang 10,000 sa bawat mapapasuko.

Sa isang baryo, inatasan ng 87th IB ang mga upisyal ng barangay na maglista ng 30 residente na siyang ipipresintang “NPA surrenderee” para makakuha ng halagang P300,000 sa ilaim ng programang ECLIP. Inalmahan ito ng mga upisyal at masa dahil labag ito sa karapatan ng mga taong malilista na di naman myembro ng BHB.

“Pagpapakita lamang ito na palabigasan ng mga upisyal ng AFP ang NTF-ELCAC at programang ECLIP. Desperadong hakbang ito ng 87th IB para ipakita na nagtatagumpay sa Samar ang kanilang kampanya ng pagpapasurender at kalaunan ay maedeklara na insurgency-free ang prubinsya para makakuha pa ng mas maraming proyekto na mapagkukurakutan nila sa ilalim ng BDP at ECLIP. Walang kabusugan at walang sawa na dinadambong nila ang pondo ng mamamayan sa tabing ng hungkag na programang pangkaunlaran kung saan sila rin lamang ang nagtatakda kung ano ang gusto nilang proyekto. Ginagawa nila ang lahat ng mga mapanlinlang na paraan para maisakatuparan ang kanilang pagkagahaman sa salapi nang walang pagsasaalang-alang sa kapakanan at karapatan ng mamamayan. Ito ang kulturang umiiral sa loob ng pasista’t mersenaryong AFP na dapat ilantad at tutulan ng sambayanang Pilipino,” ani Tirado Dagohoy, tagapagsalita ng NPA-Western Samar.

Bistado ng mga masang magsasaka ang mapanlinlang at kurap na mga taktika ng militar lalo na ang mga upisyal nito upang makapagbulsa ng pera ng taumbayan. Batid ng masa ang mahabang listahan ng mga paglabag ng AFP sa karapatan ng mamamayan hindi lamang sa isla ng Samar kundi sa buong bansa kaya wala silang tiwala sa anumang ipinapangako ng militar at mabulaklak nitong mga salita tungkol sa kaunlaran at kapayapaan. Alam ng masa na pawang makasariling interes lamang ang layunin ng AFP at ng pinagsisilbihan nitong mga naghaharing uri. Wala ngang naisagot si Lt.Col. sa tanong ng isang kapitan kung bakit wala siyang natanggap na P10,000 matapos na ipresenta niya ang isang nagsurender noong nakaraang taon.

Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

The unfinished struggle for Philippine independence – Pinoy Weekly

Despite celebrating over a century of formal independence from foreign

Ang Bayan Ngayon » Kapabayaan ng rehimeng Marcos ngayong El Niño, muling binatikos

Muling nagprotesta ang mga grupo ng magsasaka at iba pang