PRWC » Ilitaw si Kasamang Baby Jane “Ka Binhi” Orbe! Irespeto ang kanyang karapatan alinsunod sa Internasyunal na Makataong Batas!

December 23, 2023


Sa isinagawang overkill combat operation ng mga berdugong yunit ng 59th IBPA, Philippine Airforce at Philippine Navy noong madaling araw ng Disyembre 17 sa tubuhan ng Barangay Malala, Balayan, Batangas na pumaslang sa limang magigiting na Pulang mandirigma ng New People’s Army-Eduardo Dagli Command (NPA-EDC) at dalawang babaeng sibilyan, isa pang kasama ang naiulat na sugatan at hanggang sa ngayon ay hindi pa inililitaw ng teroristang militar—buhay man o kahit ang labi niya. Siya si Baby Jane “Ka Binhi” Orbe, 26, babae, kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at lider-opisyal ng naturang yunit ng NPA-EDC. Dapat ilitaw ng AFP si Ka Binhi na malinaw na hors de combat at prisoner of war at pagkalooban siya ng kanyang mga karapatan kaugnay nito alinsunod sa nilalaman ng International Humanitarian Law at Comprehensive Agreement on Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Si Ka Binhi na maituturing na hors de combat, o iyong mga kasapi ng mga armadong pwersang nakikidigma na nasugatan, may sakit, nahuli at wala nang kapasidad para lumaban at prisoner-of-war ay nararapat ilitaw, at gamutin sa isang ospital at hindi sa kampo ng mga militar.

Taliwas sa inilabas na pahayag ng 2nd Infantry Division, wala si Ka Binhi sa mga labi na tinukoy at kinilala ng kanilang mga pamilya. Ang AFP-PNP ay kilalang talamak na tagalabag ng mga pinirmahang batas ng Gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng batas ng digma tulad ng Geneva Conventions at mga sumunod na Protocols I and II nito at ng CARHRIHL.

Sa pamilya at mga kaibigan ni Baby Jane “Ka Binhi” Orbe, at sa mga organisasyon ng karapatang pantao, kailangang palakasin ang panawagan na siya ay tratuhin nang akma batay sa Internasyunal na Makataong Batas.

Sa mamamayang Batangueño, kailangang palayasin ang mga mamamatay-taong militar na siyang nagdadala ng matinding takot sa mga komunidad. Ang kanilang presensya at pananakot na babarilin ang mga taong makikita sa mga tubuhan at taniman ay nagdudulot ng abala sa mga kabuhayan.

Isinusumpa ng NPA-EDC na bibigyan ng rebolusyunaryong hustisya ang mga mga kasama at sibilyang pinaslang ng mga halimaw na 59th IBPA, Philippine Airforce at Philippine Navy.

Ilitaw at gamutin si Baby Jane “Ka Binhi” Obre!
Sundin ang mga batas ng digma!
Palayasin at panagutin ang mga teror-pasistang 59TH IBPA, Philippine Airforce, at Philippine Navy! Hustisya para sa Malalay 7!



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Military Situation In Svatove-Kreminna Region, Ukraine, On July 13, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image Clashes between the Russian Army

Ang Bayan Ngayon » Marcos and Duterte are both responsible for the failure to arrest Quiboloy in Davao City

The ongoing violent confrontation between the police and members of