Makatarungang maghimagsik! Pulang saludo mula sa KAGUMA sa ika-54 na anibersaryo ng BHB!

March 25, 2023

Ipinaabot ng mga rebolusyonaryong guro at kawaning akademiko sa ilalim ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) ang pinakamataas na pagpupugay sa ika-54 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Kinikilala ng KAGUMA ang hindi matatawaraang papel ng BHB sa kasaysayan sa pagtatanggol sa mga makabayan at demokratikong karapatan at aspirasyon ng sambayanang Pilipino. Kung walang hukbong bayan, walang kahit anuman ang mamamayan.

Binuo ang BHB noong Marso 29, 1969 tatlong taon bago ipataw ang Batas Militar noong taong 1972. Binuo ang BHB upang isulong at ipagtagumpay ang digmang bayan na wawakas sa mapang-aping paghahari ng imperyalismong US, komprador burgesya, panginoong maylupa, at mga buwayang burukrata. Hangad ng BHB na ipagtanggol ang mga manggagawa, magsasaka, at iba pang inaaping mamamayan at kamtin ang tunay na kalayaan at demokrasya.

Mula sa iilang pulang mandirigma at maliit na bilang ng armas, lumaki at lumakas ang BHB sa ilalim ng absolutong pamumuno ng PKP at kanlungan ng mainit na suporta ng masang api. Naging pangunahing pwersa itong lumaban sa diktadurang US-Marcos at sa mga pumalit nitong mga kontra- mamamayang rehimen mula kay Aquino hanggang sa kasalukuyang pangkating Marcos-Duterte. Sa kasalukuyang pagpapanumbalik ng lantarang pasista at tiranikong paghahari sa ilalim ng ikalawang rehimeng Marcos, higit na mahalaga ang ginagawang pagpupunyagi ng BHB sa landas ng armadong pakikibaka hanggang sa ganap na tagumpay.

Sa kabuuan, tinatanganan ng KAGUMA ang mahalagang papel sa pagbubuo ng rebolusyonaryong kilusang guro sa kalunsuran at pagpapatibay ng pambansang nagkakaisang prente bilang ambag nito sa pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon na may perspektibang sosyalista. Kasabay nito ay tuwirang nag-aambag ang mga rebolusyonaryong guro at kawaning akademiko sa armadong pakikibaka sa kanayunan. Inaasahan silang masigasig na kumulos at mag-organisa ng mga lihim na makinaryang magkakalap ng materyal na suporta para sa digmang bayan sa kanayunan. Hinihintay ang mga rebolusyonaryong guro na tumungo sa kanayunan at magturo sa mga pulang paaralan at larangang gerilya sa pining ng masang magsasaka.

Nananatili ang panawagan sa lahat ng mga guro na isanib ang kanilang talino, dunong, at lakas sa rebolusyonaryong paglaban ng sambayanang Pilipino. Sa _ kanilang pakikipamuhay at pakikisangkot sa dakilang pakikibaka ng masang Pilipino makikintal ang gintong aral ng kahalagahan ng BHB at ng digmang bayan upang makamit ang hinahangad na tunay na malaya, makatarungan, at masaganang bukas.

Mabuhay ang ika-54 taong anibersaryo ng BHB!

Sumapi sa Katipunan ng mga Gurong Makabayan!

Isulong ang digmang bayan!

Makatarungang maghimagsik!

Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Military Situation In Bakhmut On April 2, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image Russian forces took control of

Portugal Remembers the 1974 Carnation Revolution

On Tuesday, the Portuguese commemorate the 49th anniversary of the