PRWC » Panagutin ang 80th IB sa walang awang pagpatay sa isang hors de combat

July 29, 2024


Sisingilin ng NAAC ang inutang na dugo ng berdugong 80th IB sa walang awang pagpatay kay Wally “Ka Km” Agudes sa Sityo Marang, Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal noong Hulyo 18. Tahasang paglabag sa Internasyunal na Makataong Batas ang ginawa nitong sadyang pagpatay kay Ka Km na isang hors de combat o walang kakayahang lumaban dahil sa sakit, gayundin ang walang habas na pamamaril ng mga utak-pulburang militar at pulis kahit pa may mga sibilyan sa loob ng bahay.

Pakalat ng 80th IB, nagpapatrolya lamang daw sila nang pamarilin sila ng NPA. Taliwas naman sa isa pa nilang pahayag na magsisilbi sila ng “warrant” at nauwi sa engkwentro. Ang totoo’y alas-10 ng gabi nang atakihin nila ang pinaghihimpilan ng hors de combat na si Ka Km habang nagpapahinga. Ayon sa mga testigo, nakita nilang hinabol si Ka Km ng mga armado at sumigaw pa ito na hindi lalaban. Narinig din ng mga testigo na may pinadadapa ang mga armadong pwersa ng estado. Subalit pinatay pa rin nila ang isang nagdeklara na ng hindi paglaban dahil siya ay may sakit na trangkaso at mataas na uric acid kung kaya’t hindi makalakad ng maayos. Nakita rin nilang may suot na sando si Ka Km subalit sa larawan na inilabas ng 80th ay tila tropeyong binalandra ang katawan na wala ng sando at may mga tama na ng baril.

Nadamay sa pag-atakeng ito ang sibiliyang si Laila Ramos na isang organisador ng kapwa nyang katutubong Dumagat. Si Ramos ay ilang buwan nang nasa proseso ng pagpapagamot ng kanyang sakit. Sa kabila ng katayuan niyang ito, hindi armado at walang kakayanang lumaban, karahasan ang ihinarap sa kanya nang pamarilin siya at ang kasamahan niya na may bahay bago siya arestuhin at iligal na ikulong.

Tulad ng madalas na ginagawa sa mga reyd ng pasistang tropa, inilatag ang nakahanda nilang set-up ng mga diumano’y nasamsam na nga armas at iba pang kagamitan. Sa kanilang mga litrato, sa harap pa ni Ramos inilatag ang mga armas upang tangkang burahin ang pagiging di armado nito.

Dapat ilantad ang ginawang berdugong pag-atake ng 80th IB. Hayok at walang pagsasaalang-alang sa buhay at karapatan ang 80th IB, buong AFP at rehimeng US-Marcos II dahil sa hinahabol nitong deadline ng diumano’y pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan, at kaya hanggang sa mga hors de combat o walang kakayahang lumaban ay isasama nila bilang target ng kanilang mga operasyon. Dagdag ito sa mga kaso ng pasistang tropa na paglabag sa Protocol 1 at 2, Geneva Conventions of 1949 ar CARHRIHL, na nangangalaga sa kaligtasan, karapatan at buhay ng mga tao sa panahon ng digmaang sibil.

Samantala, ang buong pulang mandirigma, upisyal at mga kadre ng NAAC-NPA-Rizal ay nagluluksa at higit dito ay pulang sumasaludo at taas-kamaong nagpupugay kay Wally “Ka KM” Agudes. Isang mahusay na opisyal ng NAAC at matatag na kadre ng PKP. Hindi matatawaran ang kanyang ilang dekadang paglilingkod sa mamamayang Rizaleño at pagseserbisyo sa Bagong Hukbong Bayan. Halos inilaan nya ang kanyang buong buhay sa pagsusulong ng pinakamataas na porma ng pakikibaka at pagsasakripisyo sa pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan.

Titiyakin ng NAAC na mapapanagot ang 80th IB at mga galamay nitong nagsagawa sa berdugong atakeng ito. Determinado itong biguin ang imbing pakana ng rehimeng US-Marcos na pagwawakas sa rebolusyonaryong kilusan!



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ong, GMA reporter HINDI nag-eendorso ng gamot sa mata

May video na ipinagmumukhang ibinabalita ng GMA ang pag-eendorso ni

Kapalpakan, korupsiyon sa PUVMP, nalantad – Pinoy Weekly

Hindi pa rin sinasagot ng Land Transportation Franchising and Regulatory