PRWC » PNP intel, napatay sa ambus ng NPA

April 6, 2023


Tinambangan ng mga Pulang mandirigma at agad na napatay si P/SSgt. Abel Sevilla sa Sityo Agna, Homapon, Legazpi City alas-6:20 ng umaga ngayong araw, Abril 5. Nasamsam sa kanya ang isang pistolang 9 mm.

Si Sevilla ay intelligence officer ng reaksyunaryong pulisya na nakabase sa City Police Assistance Center sa Barangay Taysan ng naturang syudad. Aktibo siya sa panggigipit sa mga pamilya ng mga suspetsadong aktibo o dating NPA at mga sibilyang inaakusahang sumusuporta sa kilusan sa Southern Barangays ng Legazpi City. Inirereklamo naman ng mga drayber ng habal-habal sa lugar ang walang awa niyang pangongotong sa kanila.

Si P/SSgt. Abel Sevilla ay lehitimong target ng rebolusyonaryong hukbo. Ang pananambang sa kanya ay pagbibigay-hustisya rin sa kanyang mga biktima.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Ipadayon ang handum ni Ka Cocoy!

Ang kabug-usan nga mga Pulang hangaway kag mga kumander idalom

Sino’ng takot sa e-bike? – Pinoy Weekly

Kung nasa social media ka, lalo na Facebook, tiyak na