PRWC » Protesta laban sa presensya ng mga dayuhang tropa sa Pilipinas

April 21, 2024


Nagprotesta sa harap ng embahada ng US ang iba’t ibang grupo noong Abril 11 para batikusin ang “trilateral summit” ng Pilipinas, Japan at US na ginanap sa Washington D.C. Batid ng mga grupo na nakabalangkas ang pulong na ito sa layunin ng US na palawakin ang presensya nito sa first-island chain sa tabing ng “seguridad” at “kalayaan sa South China Sea.

Sa US, sinalubong ng mga protesta ng mga grupong Filipino-American si Marcos at ang trilateral summit noong Abril 11 at 12. Binatikos nila ang papel ng US sa pagpopondo at suportang militar nito sa rehimeng Marcos.

Noong Abril 9, nagtungo sa konsulado ng China sa Makati City ang iba’t ibang mga organisasyon para kundenahin ang tuluy-tuloy na panggigipit ng China sa mga mangingisda at barkong Pilipino at pang-aagaw nito ng teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinanawagan ng mga grupo sa China, gayundin sa US, na itigil ang militarisasyon sa WPS.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: P100 wage hike bill NOT yet law

A short video on TikTok is erroneously claiming that President

Russia Responds To 11th EU Sanctions Package

The Russian Foreign Ministry said Friday that, in response to