PRWC » Ulos | 2023

February 8, 2024


Paunang Salita

Makatarungan ang matagalang digmang bayan. Hindi ito susulong, magkakamit ng mga tagumpay o makababangon mula sa mga kahinaan, kung hindi ito puspos ng katwiran. Kung hindi ito makatarungan, hindi ito lalahukan at tatangkilikin ng ilan nang salinlahi ng mga magsasaka, manggagawang bukid, manggagawa at mga petiburges na yumakap sa hangarin ng paglaya at bumagtas sa landas na puno ng sakripisyo at kahirapan. Kung wala itong katwiran, matagal na itong nagupo.

Kung pakikinggan ang kaaway, deka-dekada nang nagapi/nagagapi/magagapi na ang armadong kilusan. Ipinagmamalaki nito ang dami ng bombang naihulog at mga bala ng kanyong inasinta sa mga katawan. Pero madalas, hindi sa mga armado at may kapasidad lumaban kundi sa mga magsasaka, kanilang mga ina at ama, mga bata at sanggol at di miminsan, sa mga nakapastol na kalabaw sa parang. Mula sa pagdanak ng kanilang dugo, umuusbong ang bagong mga mandirigma na mas matapang, mas makatwiran at mas determinadong lumaban.

Ito ang dahilan kung bakit sa 55 taong pag-iral ng armadong kilusan, lagpas pitong presidente at di mabilang nang mga kampanya ng pagkubkob at supresyon, hindi ito nagapi/nagagapi/magagapi.

Walang hukbo, gaano man kalaki o kasopistikado, ang lubos na makadudurog sa hukbong may makatarungang ipinaglalaban, umuusbong at kinakalinga ng malawak na masang inaapi at pinagsasamantalahan.

Download here: PDF

___
Ulos: Pahayagang pangkultura na inilalathala ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas)



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Until Liberation and Return! • BAYAN-USA

Filipinos in Solidarity with Palestine | International Al-Quds Day 2023

BRICS 2023 Summit to Challenge Western Dominance: South Centre

The 15th BRICS summit, to be held in South Africa