PRWC » Walang kaligtasan para sa mga sumurender sa ilalim ng mapanlinlang na E-CLIP

April 13, 2023


Nabatid namin na si Marlon Macabuhay, alyas ka Gary na dating kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na tumalikod na sa interes at hangarin ng masa, ay tuluyan nang sumuko sa reaksyunaryong gubyerno noong Abril 3 kasama ang mga opisyal ng barangay ng Brgy. Sangat, Gubat. Subalit taliwas sa lahat ng pangako ng PNP at AFP sa kanya ay sinamphan sya ng gawa-gawang kaso ng murder at frustrated murder at kasalukuyang nakakulong sa presinto ng Gubat.

Napag-alamanan namin na habang nakakulong si Macabuhay, ay ilang beses syang nilabas sa piitan upang kausapin ng mga tauhan ng MICO. Nababahala ang kanyang pamilya sa maaring paglabag sa kanyang karapatan habang nasa piitan.

Ang karanasan ni Macabuhay ay ilan lamang sa mga kaso ng panlilinlang ng AFP at PNP sa mga dating kasapi ng BHB at sa mga sibilyan ng Sorsogon. Taliwas sa pangako ng AFP at PNP na “mamumuhay na biliang sibilyan” at “malilinis ang kanilang pangalan” kapag pumaloob sila sa ma-anomalyang E-CLIP, ay pawang pamamaslang at pagkakakulong lamang kanilang sinapit.

Matatandaang pinaslang si Michael “Ka Teban” Bagasala noong Enero 2021 sa kabila ng kanyang pagsuko noong 2018; pagdakip kay Zaldy Balicoco alyas Ka Sonny na sumuko sa mga elemento ng 22nd IB noong 2021; pagdakip kay Salvador Fulgar noong 2019, isang senior citizen at magsasaka, nang malinlang na pumaloob sa E-CLIP; pagdakip kay Danilo Hapa, isang magsasaka, noong Mayo 2022 sa kabila ng “pagsuko” nito upang “ma-clear” ang kanyang pangalan kasama ang kanyang kababaryo; at pag-aresto sa magkapatid na si Ramises at William Hubilla nitong Pebrero 8 kahit na sumurrender sa kampo ng 31st IB si Ramises noong Abril 2018.

Walang maaasahang proteksyon o kapayapaan mula sa hanay ng AFP at PNP ang mga sibilyan at mga dating kasapi ng NPA na tumalikod na sa tungkulin. Kahit ang mga pumayag na “sumurender” ay walang ligtas sa kalupitan at bangis ng estado. Tanging pag giya sa mga operasyon ng AFP at PNP, pagdalo sa kanilang mga aktibidad tulad ng rally at “peace caravan”, pagturo sa mga inosenteng sibilyan at maipasok bilang CAFGU ang mga landas na maari lamang tahakin ng mga pumaloob sa maanomalya at batbat ng korapsyon na E-CLIP.

Sa kabila ng mga hamon na kinahaharap ngayon ng rebolusyonaryong kilusan, habampanahong nasa panig nyo ang BHB upang isulong ang inyong kagalingan at mga karapatan. Tanging sa hanay ng masa at sa landas ng rebolusyon tunay na mararanasan ang katahimikan at kapayapaan na nakabatay sa hustisyang panlipunan.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Stand with Al Jazeera

As the Israeli-Palestinian conflict enters its eighth month, the media

Guatemala's TSE Suspends Electoral Results

On Sunday, the Supreme Electoral Tribunal (TSE) of Guatemala announced