Events

Sa Divisoria bago mag-Pasko – Pinoy Weekly

Sa Divisoria bago mag-Pasko – Pinoy Weekly


Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano nakukuha ng lola at mama ko na pumunta ng maaga sa isang sentro ng pamilihan. Maghahanda pa sila ng damit na komportable, at hindi na nila kailangan magsuot ng sapatos, kung hindi tsinelas na lang. 

Nakita ko sila, nag-aayos, na parang pupuunta sila ng giyera. Madaming bayong na dala at iba’t ibang uri pa ng Vicks para menos sa hilo sa biyahe. 

Ngayon, ako ang sasabak sa giyera kasama rin ang mga anakpawis na nagsisikap makabili ng mga panregalo sa kanyang minamahal sa buhay. Madalas laruan, damit at iba pang gamit sa bahay. Isa rin naman ang ang mga palengke ng mga karne, gulay, at iba pang rekado sa Noche Buena.

Ngayon, ano kaya mangyayari sa mga nagtitinda sa kalsada ng Divisoria? Paano kaya sila nabubuhay ngayon dahil may mga Shopee, Lazada at iba pang e-commerce platform sa bansa?

Mga namimili ng tela at laruan sa kahabaan ng Ilaya St. sa Divisoria sa Maynila. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Isang maninindang naglatag ang mga paninda niyang panyo sa sidewalk. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Isang matanda kasama ang kanyang apo para mamili ng rekado para sa Noche Buena. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Karamihan sa mga may edad na ay sinisipag nila pumunta ng Divisoria dahil makakuha sila ng damit sa murang halaga. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Dinagsa ng mga tao ang Divisoria para mamili bago mag katapusan ng Nobyembre. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Mga batang nagtitinda ng mga ang pao para sa perang pamasko bago mag-Pasko. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Mga iba’t ibang uri ng tela na tinitinda sa yarda sa Divisoria. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Mga damit na pambata nakasabit para makita ng mga mamimili sa kahabaan ng Ilaya St. ng Divisoria. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Mga figurine ng mga galing sa anime at mga basketball player sa Divisoria. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly
Isang tindera umakyat para abutin ang mga paninda niya. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Sa huli, ang mga nagtitinda sa lansangan tulad sa Divisoria may nakikipagsapalaran sa tuloy-tuloy na pagbabago ng ekonomiya. Ang mga maliliit na negosyo ay kailangan humanap ng paraan na pagsabayin ang tradisyon at ang makabagong teknolohiya upang patuloy na magtagumpay sa nagbabagong mundo ng kalakalan.

Ngunit sa panahon ng mga pagbabago, ang mga nagtitinda ay naiiwan at pinabayaan sa atake ng mga pag-alis sa puwesto na nagreresulta sa pagkawala ng kabuhayan. Umaasa ang masa na sana mura ang bilihin, at mabilis nilang makuha at makita nila nang maayos ang bibilhin. Ang Divisoria ay nanatili sa kanyang puwesto. Ang puwesto ng para sa masa.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning