Saan ang mga libreng HIV/AIDS testing?  – Pinoy Weekly

July 1, 2024


Sa datos ng HIV/AIDS and Antiretroviral Therapy Registry of the Philippines nitong Mayo, may 69,610 na people living with HIV (PLIHIV) sa bansa. 

Taong 2023, mayroong 13,516 na bagong kaso ng HIV, karamiha’y lalaki na umabot sa 95% samantalang ang natitirang 5% ay kababaihan. 

Ano nga ba ang puwede gawin para makaiwas sa impeksiyon at saan maaaring pumunta para sa libreng HIV testing?

Ang HIV (human immunodeficiency virus) ay isang virus na umaatake sa immune system ng tao, partikular ang CD4 lymphocytes o helper T cells, na mahalaga sa paglaban ng katawan laban sa mga sakit at impeksiyon. 

Kapag hindi naagapan, maaaring magdulot ang HIV ng AIDS (acquired immunodeficiency syndrome), na karaniwang nangyayari kapag ang lubhang mababa na ang bilang ng CD4 lymphocytes at hindi na malabanan ng immune system ang mga sakit at impeksiyong pumapasok.

Ang HIV/AIDS ay naipapasa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi protektadong pakikipagtalik. Maaari itong maipasa sa pamamagitan ng seminal fluid, vaginal fluid o dugo ng isang taong may HIV.

Naipapasa rin ito sa paggamit ng infected na karayom, hiringgilya o iba pang mga gamit na pang-iniksyon. Maaari ring ipasa ang virus mula sa ina sa kanyang sanggol sa pamamagitan ng pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso.

Sa patuloy na paglaganap ng HIV sa Pilipinas, mahalaga ang libreng HIV testing upang malaman ang status, mapigilan ang pagkalat at matiyak ang kalusugan. Gayunpaman, marami pa rin ang nahihiya na pagsusuri dahil sa stigma na kaakibat nito.

Marami na ang mga pasilidad sa buong bansa ang nag-aalok ng libreng HIV testing. Kabilang na rito ang:

  1. AHF Wellness Center
    2/F LZT Building, Lot 27 Block 6, Amparo Subdivision, Brgy. 179, Caloocan City
    Operating Hours: Wednesday to Sunday, 10 a.m. to 5 p.m.
    Contact: 0967-319-2040
  2. Bernardo Social Hygiene Clinic
    Magsaysay Ave., Brgy. Pinagkaisahan, Cubao, Quezon City
    Operating Hours: Monday to Friday, 8:00 a.m. to 5:00 p.m.
    Contact: 0917-581-1178
  3. Love Yourself Clinic
    Unit 5, 3/F Anglo Building, Shaw Blvd., Mandaluyong City
    Operating Hours: Wednesday to Sunday, 12 p.m. to 7 p.m.
    Website: loveyourself.ph/hubsclinics 
  4. National Council of Churches in the Philippines
    879 EDSA, West Triangle, Quezon City
    Operating Hours: Monday to Friday, 8 a.m. to 6 p.m.
    Contact: (02) 8926-9760; (02) 8929-3745
  5. Research Institute for Tropical Medicine
    9002 Research Dr., Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City
    Operating Hours: Monday to Friday, 8 a.m. to 3 p.m.
    Contact: (02) 8807-2631; (02) 8807-2632; (02) 8807-2637
  6. San Lazaro Hospital
    Quiricada St., Santa Cruz, Manila
    Operating Hours: Monday to Friday, 8 a.m. to 4 p.m.
    Contact: 0991-753-9380; (02) 5310-9528

Simple lang at hindi komplikado ang proseso ng test. Ang pagtungo sa pinakamalapit na testing center ang unang hakbang sa mga nais magpasuri ng HIV/AIDS. Bago sumailalim sa pagsusuri, nagbibigay sila ng counseling upang maipaliwanag ang buong proseso ng testing, kasama na ang mga posibleng resulta at epekto nito.  

Matapos ang counseling, isasagawa ang aktuwal na pagsusuri, kung saan kukunin ang ilang patak ng dugo ng indibidwal na nais malaman ang kanilang status. 

Pagkatapos nito, hintayin ang resulta na maaaring makuha sa loob ng ilang minuto hanggang ilang araw, depende sa testing center. Matapos lumabas ng resulta, bibigyan ng post-test counseling upang magabayan sa susunod na mga hakbang na dapat gawin.

Hindi lamang ito isang simpleng pagsusuri, ito’y isang pagpapahalaga sa buhay, isang pagkilos ng pagmamahal sa sarili at sa kapwa. Sa bawat nagpapa-test, mayroong pag-asa na mabawasan ang bilang ng mga bagong kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas at mababago natin ang takot at stigma na bumabalot dito.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Africa CDC Calls to Strength Vaccination Gains | News

The Director General of The Africa Centers for Disease Control

Environmental group reports PH gov’t not acting on anti-climate change commitments

The year-old Ferdinand Marcos Jr. government continues to implement anti-environment