Saribuhay ng Pilipinas at si Celine Murillo – Pinoy Weekly

June 5, 2024


Minsan na rin bang dumaan sa TikTok o Facebook feed n’yo ang content creator na nagtuturo ng bagay-bagay tungkol sa saribuhay (biodiversity) ng Pilipinas?

Sa lilim ng iba’t ibang matayog na puno, sa tabi ng kakaibang mga halaman at paminsan pa’y sa saliw ng harana ng mga ibon, lumikha ng mga bidyo at naging tampok sa social media si Celine Murillo.

Isang multi-awarded at internationally-published nature storyteller si Murillo na gumagamit ng potograpiya, maikling bidyo, panulaan at social media upang ipakilala at isulong ang saribuhay at natural na pamana ng kalikasan ng Pilipinas.

@celinemurillo_ Bagong episode ng #SaribuhaySaSalapi! ? #PhilippineBiodiversity #PhilippineNativePlants #PhilippineHoyas #HoyasofthePhilippines #hoyapublicalyx #KapalkapalBaging #TikTokForGood #TikTok_Partner #TikTokPartner ? original sound – Celine Murillo

Kasama ang kanyang asawa na si Dennis, nililibot niya ang Pilipinas upang ikuwento at isulong ang pagprotekta sa kalikasan na nasisilayan sa kanilang biyahe. Ilan na lang dito ang mga puno na native sa Pilipinas at mga ibon na nasa mga lungsod at kanayunan.

Bukod dito ay mayroon din siyang inilunsad na serye ng mga bidyo na tinawag niyang “Saribuhay sa Salapi” kung saan tinatalakay niya ang hayop at halaman na makikita sa mga barya at papel na pera ng Pilipinas.

Mayroon ding seryeng “#LikasWika” kung saan itinatampok ni Murillo ang mga hayop, halaman at iba pang bagay na nakikita sa kalikasan na nilalapatan niya ng isang akrostik o tula kung saan ang bawat titik ng salita’y bumubuo ng espesyal na mensahe.

Tunghayan ang panayam ng Pinoy Weekly kay Murillo:

Celine Murillo (CM): Interesado na ako sa mga puno bata pa lamang ako. Gustuhin ko man noon, ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataon [na] makaugnay dito. Noong 2014, nagsimula akong mag-hiking kasama ang aking asawa at natuklasan ko ang kagandahan at healing power ng kalikasan. Sa paglayo pa ng aming paglalakbay, lalo lamang tumindi ang aking kagustuhang mas kilalanin pa ang ating saribuhay. 

CM: Noong bata pa ako, nagustuhan ko ang mga istorya at ninais ko na ang maging isang kuwentista. Masuwerte ako na malaya kong natatahak ang larangang ito at maging isang kuwentista para sa natural na mundo. Sa tingin ko, ito ang pinakamainam na paraan para makapag-ambag sa aming layunin na makalikha ng mas maganda, mas mabuti, and mas compassionate na mundo. 

CM: Madalas, hinahayaan namin ang kalikasan na idikta sa amin kung ano ang aming idodokumento. Kapag nasa isang lugar kami, tinitignan lang namin kung ano ang nandoon. Minsan naman, inaabisuhan kami ng mga kaibigan at mga kasamahan sa mga interesanteng species at kung saan sila matatagpuan. Kung may pagkakataon ay pinu-pursue namin iyon. 

@celinemurillo_ Philippine fauna muna tayo. Here’s a common #PhilippineBird! #PhilippineBiodiversity #BirdsofthePhilippines #learnontiktokph #learnontiktok #philippines??tiktok #yellowventedbulbul #birdsoftiktok ? original sound – Celine Murillo

CM: Marami. Una ay hindi sapat ang aming mga resources, lalo na ang budget. Independent storytellers at creators kami ng asawa ko, at pihikan kami pagdating sa mga kolaborasyon at partnerships. Mahalaga sa amin na walang misalignment pagdating sa aming pinahahalagahan, at ibig sabihin nito na marami kaming natatanggihan na financial opportunities. Bukod pa rito ay nandiyan din na naimumulat kami sa paghanga at pagkadismaya, at mahalaga iyon dahil ito ang nagpapanatili sa aming maging mapagpakumbaba at hopeful. Dahil sa kabila ng kawalan, marami pa rin ang natitirang dapat na ipaglaban. Para sa amin, ang pakikisalamuha sa komunidad, at pagiging isa sa kagubatan—panalo na, kahit na hindi ito nagreresulta sa content na maibabahagi namin sa social media.

CM: Kailangan nating mas kumilos at mas pagbutihan pa. At walang batas na magsasalba sa atin kung patuloy nating titignan ang natural na mundo bilang isang bagay na maaaring pagsamantalahan.

CM: Alamin kung ano ang mayroon tayo. Lahat, nagsisimula sa pag-alam at pag-unawa. Pinoprotektahan lang natin kung ano ang mahalaga sa atin, at mahalaga lang sa atin ang kung ano ang alam at naiintindihan natin. 

CM: Siyempre. May politika sa pagpapanatili ng yaman at mangha ng ating saribuhay—mas madali itong sirain dahil hindi natin naiintindihan at nalalaman kung ano ang nawawala sa atin. Sana, ang mga bagay na ginagawa natin ay nagdidikta ng katapusan sa kung ano ang malinaw na sadyang pagharang sa impormasyon. 


Gaya ng palaging binabanggit ni Murillo sa kaniyang mga bidyo, patuloy nating suportahan, ipakilala at protektahan ang saribuhay at yaman ng kalikasan ng Pilipinas. 

Sa ngayon, mayroon siyang halos 500,000 followers at 5.3 milyon na kabuuang likes sa TikTok. Sa kanilang Youtube channel na “Celine and Dennis Murillo” naman, nasa 21,000 ang kanilang subscribers.





Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss