SIM Registration dapat palawigin pa — mga magsasaka – updates from the peasant movement of the Philippines

Nanawagan ngayon ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na i-extend o palawigin pa ang deadline ng mandatory SIM registration na nakatakdang magtapos sa Miyerkules, Abril 26.

Ayon sa telcos na Smart at Globe, nasa 55% pa lang ang nagrehistro sa kabuuang 106 milyon na SIM subscribers sa bansa.

Sinabi pa ng grupo ng mga magsasaka na nasa batas ang dagdag pang 120-araw na ektensyon sa nauna nang 180-araw na palugit para sa pagpaparehistro ng SIM at dapat itong bigyang mandato ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Nararapat din umano ang ektensyon para bigyan ng sapat na panahon na gumulong ang proseso sa isinampang petisyon sa Korte Suprema laban sa SIM registration.

“Tiyak na milyun-milyon pang mga magsasaka, mangingisda at mamamayan sa kanayunan ang hindi nagrehistro ng kanilang SIM at ang banta ng deactivation at kawalan ng akses nila sa kanilang SIM at iba pang social media ay direktang atake sa kanilang karapatan sa pagpapahayag, impormasyon at komunikasyon,” ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos.

Napatunayan sa pinakahuling massive data breach na 1.2 milyong “leaked profiles” mula sa PNP, NBI, Civil Service Commission na bulnerable rin sa leak ang identity at impormasyon ng mga registered SIM subscribers. Hindi rin garantiya ang SIM registration na matitigil ang spam messages at iba pang cybercrimes.

Kasama ang KMP at PAMALAKAYA sa mga grupong nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema kamakailan para ideklarang unconstitutional ang RA 11934, ang unang batas na inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Nanawagan rin ang mga petitioner na maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) magpapatigil sa pagpapatupad ng batas. Hiniling din sa petisyon ang cease and desist order sa paggamit ng mga telcos sa mga impormasyon sa mga nakarehistrong SIM at pagsira sa anumang data na nakolekta na.

Kasama rin sa iba pang petitioners ang National Union of Journalists of the Philippines, Bayan Muna Party List, BAYAN, Junk SIM Registration Network, at iba pa digital rights advocates. ###

Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!