Statement from family members of 3 pardoned OFWs from UAE

July 7, 2023


Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ianunsyo ng Philippine Government ang pinagkaloob na pardon ng UAE President sa aming mga asawa at kapatid ngunit hanggang ngayon wala kaming natatanggap na malinaw na balita mula sa ating gobyerno kung kailan sila makakalabas at makakauwi sa Pilipinas at ano ang proceso na kailangan pa nila pagdaanan.

Nung ito ay inanunsyo sa balita, walang kinatawan mula sa DFA or Philippine Embassy sa UAE ang kumontak sa amin para kami ay mapagbigay alam na kasama sila sa nabigyan ng pardon. Para sa aming dalawa, nalaman na lang namin ito mula sa aming mga asawa nung tumawag sila sa amin. Kami pa po ang nag inform sa Philippine Embassy na kasama sila sa nabigyan ng pardon.

Habang para sa aking kapatid na na sentensyahan ng 15 years for slander at mahigit anim na taon ng nakakulong, nag aantay pa ang aming pamilya hanggang ngayon ng kumpirmasyon kung siya ba talaga ay kasama sa listahan dahil walang nilabas na official list o document ang Philippine Embassy sa UAE para ipakita sa amin. Kaya kami ay nangangamba pa din.

Simula ng makulong ang aming mga asawa at kapatid sa UAE, walang tigil ang aming pamilya na ipaglaban ang kanilang karapatan at pagpapalaya. Ilang opisina at ahensya na ng ating gobyerno ang pinuntahan namin para humingi ng tulong. Napakarami naming sinulatan at tinawagan para lang sila ay mabigyan ng tulong at gumulong ang kanilang kaso.

Photo: Families of jailed OFWs appeal for assistance from Commission on Human Rights (CHR)

Kami mismo ang nag pursige na gumawa ng aksyon at magsulat sa loob ng maraming taon sa Presidente ng UAE, sa Presidente ng Pilipinas at sa iba pang mga Senador at ahensya ng ating gobyerno para mag apila ng clemency o pardon para sa aming mahal sa buhay.

Ang aming mga kamag anak ay kabilang sa total na 998 na katao mula sa iba’t ibang bansa na nabigyan ng pardon ng UAE Government. Napagalaman namin na ang UAE Government pa ang gagastos para mapauwi sila sa kani kanilang mga bansa. Ngunit kami ay nag aalala na baka matagal pa ang proceso ng kanilang pagpapauwi dahil maraming preso pa ang kailangan i-proceso ng UAE Government.

Para mapabilis ang pagpapauwi sa aming mga asawa at kapatid, kami ay nananawagan sa ating gobyerno na bigyan sila ng assistance at bilhin ang kanilang flight tickets para makauwi na sila sa aming pamilya sa Pilipinas. Matagal na panahon sila nagdusa sa loob ng kulungan. Nais na namin silang makapiling at makasama. Sana po ay mas aktibong nakikipagugnay at nakikipagtulungan ang ating gobyerno sa UAE Government para sa agarang pagpapalaya ng aming mahal sa buhay.

Ms. Ellaine Rodriguez, sister
Ms. Maricel Santos, wife
Ms. Eva Peachy Redona- Pamplona, wife and OFW



Source link

Don't Miss

Can the Post Office building be demolished?

As the inferno raged at dawn of May 22, fears

Ang Bayan » Tatlong sibilyan, minasaker ng 2nd IB sa Masbate

Minasaker ng mga pwersa ng 2nd IB ang tatlong sibilyan