Tigil-pasada ikinasa para muling tutulan ang phaseout –

October 18, 2023


Nagsagawa ng tigil-pasada ang mga tsuper at operator noong Oktubre 16 para ipakita ang matagal nang pasakit at inhustisya na nararanasan nila dahil sa banta ng phaseout, pagtaas ng presyo ng langis, pahirapang franchise renewal. Daing nila, nakaamba pa rin ang phaseout sa pagtatapos ng taon. Dagdag pa rito ang anomalyang nasiwalat sa ahensya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kamakailan.

Noong Oktubre 9, isiniwalat ng dating LTFRB executive assistant na si Jeffrey Tumbado sa isang press con ang korapsyon at anomalya na may iskemang ‘ruta for sale’ sa LTFRB na aniya’y “umaabot sa Malakanyang.” Kinabukasan, binawi ni Tumbado ang kanyang mga pahayag sa press con.

Sa pangunguna ng grupo ng Manibela, nag-caravan ang mga jeep mula University Avenue, Diliman, Quezon City patungong LTFRB para kalampagin ang ahensya. Sumunod na tinungo nila ang Mendiola, Manila para singilin ang kasalukuyang administrasyon.  

“Narito kami sa Mendiola para ipanawgan kay Pang. BongBong na panagutin ang ahensya ng LTFRB at itigil ang anumang banta ng phaseout sa amin,” ani Mar Valbuena, chairman ng Manibela.

PUV/PUJ phaseout

Noong Marso 6, naglunsad din ng tigil-pasada ang grupo ng Manibela kasama ang PISTON at iba pang transport group upang tutulan ang banta noon na hanggang April na lang ang pagpaparehistro ng mga sasakyan at kapag hindi umabot ay hindi na makakabyahe. Anila, ito ang mukha ng phaseout.

Bunsod ng tigil-pasada, napilitan ang LTFRB na iurong ang deadline hanggang dulo ng taon. Para sa mga tsuper, meron pa ring phaseout, inurong lang. Wala pa ring kasiguraduhan ang kanilang hanapbuhay.

Sa pangamba ng pagkawala ng hanapbuhay nila, pangamba rin na hindi na makakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak ni Tatay Denver Bermil, 39, na may limang anak. Senior High School na ang kaniyang panganay na anak at ang pamamasada lamang niya ang kanilang kinukunan ng panggastos sa pang araw-araw. Ang ruta ni Tatay Denver ay San Mateo-Maly-Quezon City Hall.

“Buti sila mayayaman, eh kami? Para kaming ipis, nasa baba na tatapakan pa nila, kawawa ang mga drayber sa kanila,” pahayag ni tatay Denver.

Ngayong araw, isinakripisyo niya ang isang araw ng pamamasada para lumahok sa tigil-pasada dahil ayaw niya maphaseout sila sa darating na Disyembre.

“Hangga’t kaya ko pang lumaban, lalaban ako kasi ito lang ‘yung hanapbuhay ko,” dagdag niya.



Source link

Don't Miss

PRWC » Sa Adlaw sang Pangabudlay:Mag-isa, ibasura ang makahalalit nga mga neoliberal nga palisiya

Mas labi nga nagalala ang krisis nga gintuga sang imperyalismo

International Human Rights group backs UN Special Rapporteur Ian Fry – Abolish NTF-ELCAC

Press ReleaseNovember 22, 2023 “The International Coalition for Human Rights