Tigilan ang paniniktik sa midya ng Bicol–NUJP – Pinoy Weekly

December 9, 2023


Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpapatawag ng militar kay NUJP director at board member Reynard Magtoto dahil sa mga aktibidad ng NUJP Bicol.

Sa liham na ipinadala sa barangay na kinabibilangan ni Magtoto, sinabi ni Cpt. Michelle  Estares na kailangan makipag-usap sa barangay at sa militar ni Magtoto “para pag-usapan ang mga isyu sa NUJP Bicol, na saklaw ng 903rd Infantry Brigade ng 9th Infantry Division, Philippine Army, at target sectoral front organization (SFO) in Albay area.”

Ayon sa ulat ng NUJP, umabot na ang paniniktik sa punto na pati ang ina ni Magtoto, kinakausap na ng barangay para magreklamo sa mga kilos umano ng peryodista laban sa militar.

Bilang editor at writer ng Baretang Bikolnon, nag-uulat si Magtoto ukol sa iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon ng Bicol.

Wala rin daw batayan ang militar na tawaging SFO ang NUJP Bicol. “Itong harapan na red-tagging ay labag sa karapatan mag-organisa at karapatang magpahayag ng mga miyembro ng NUJP,” sabi ng unyon.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Weak and below-target job creation debunks govt’s employment hype, hits youth worst — IBON – IBON Foundation

No amount of job fairs can hide that

Conference affirms role of community radio in human development

The World Association of Community Radio Broadcasters (AMARC) Asia-Pacific concluded