Unyon ng Golden Zone Garments, itinatag – Pinoy Weekly

September 16, 2024


BALITASa halos isang taong pagsisikap, matagumpay na naitatag at naiparehistro ng mga manggagawa ng Golden Zone ang Nagkakaisang Manggagawa ng Golden Zone Garments and Accessories Inc. (NMGZ) noong Ago. 12. 

Sa kabila ng mahabang panahon na pagmulat at pag-organisa sa mga kapwa manggagawa ng Golden Zone Garments and Accessories, Inc. sa hindi makamanggagawang nitong mga patakaran, matagumpay na nailabas ang rehistro ng unyon noong Ago. 16. 

Ayon sa bagong unyon, mababang pasahod, mandatory overtime, kawalan ng transportation allowance at hindi maayos na tuntunin sa kalusugane ang ilan sa mga dahilan kung bakit nag-unyon ang mga manggagawa. 

Dagdag pa nila, halos sagarin ng kapitalistang Golden Zone ang lakas-paggawa ng mga manggagawa sa mga pagkakataong malakas ang produksiyon. 

“Sa quota, kailangang ma-meet mo ito kung hindi mabubulyawan ka. Kaya kada oras ay ipe-pressure kami na taasan ang output namin. Kapag na-meet mo ang 100% na bihira naman, excellent ka, pero pag 69% pababa, bagsak ka at sasabunin ka ng operation manager,” sabi ng unyon.

Bukod sa mga ito, ang karapatan na mabigyan ng pantay na oportunidad ang manggagawa, karapatan sa pag-uunyon, pagkakaroon ng collective bargaining agreement (CBA), at pagkakaroon ng katiyakan sa trabaho at makataong kondisyon sa paggawa, ang sentrong dahilan ng kanilang pag-uunyon. 

At sa kabila ng kanilang matagumpay na pagpaparehistro, nakatanggap ng ulat ang unyon ng pagkilos ng management upang bawiin ng mga miyembro ng unyon ang kanilang membership.

“Magbuhat po kasi ng nag file na kami ng aming rehistro ng unyon at ang request for SEBA (sole and exclusive bargaining agent), sunod-sunod na po ang atake sa amin, pinapakain sa Starbucks ang aming mga miyembro at kakausapin at kokonsensyahin sa mga nagawa ‘di umano ng management sa kanila,” sabi ng unyon.

Ayon pa sa kanila, nakaranas pa ng pananakot at panghaharass ang ilan sa mga miyembro para lamang pumirma sa ginawang waiver ng management na nagsasaad ng pabitiw sa NMGZ.

“Kaya nag file na din po kami sa NCMB (National Conciliation and Mediation Board), para mapigil ang mga ito, ayon po kasi sa batas ay dapat ‘di nakikialam ang management sa mga usapin pang-unyon,” dagdag pa nila.

Pahayag ng unyon, wala silang ibang layunin kung hindi ang matamasa ang lehitimo at demokratikong karapatan bilang mga manggagawa. 

Batid ng kanilang mga miyembro na hindi kailanman magiging masama ang pag-uunyon kung nangangahulugan ito ng pagkamit ng kanilang mga batayang karapatan sa sahod at kabuhay.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

PRWC » Masaker indi engkwentro ang natabo sa Barangay Tabugon, Kabankalan City

Lubos nga ginapakamalaut sang Armando Sumayang Jr Command-New People’s Army

Tanaw | ‘Broken banga’ – Bulatlat

By LIZA CORTEZUMC Jer 23:1-6Ps 23:1-3, 3-4, 5, 6Eph 2:13-18Mk