Ang Bayan » 64 milyong Pilipino, pinagkaitan ng serbisyong telekomunikasyon dulot ng SIM Card Registration Law

July 26, 2023


Nagsagawa kanina ng protesta ang Junk SIM Registration Network sa harap ng Department of Information and Communications Technology para tutulan ang malawakang deactivation ng mga di rehistradong SIM Card ngayong araw. Panawagan nila na ibasura ang SIM Registration Law. Ang batas na ito ang pinakaunang panukala na pinirmahan ni Ferdinand Marcos Jr sa pag-upo sa Malacañang.

Nagtapos ang pagpaparehistro ng mga SIM Card kahapon, Hulyo 25. Sa datos ng DICT, nasa 60% lamang ng lahat ng aktibong SIM Card ang nairehistro. Ibig sabihin, 40% o nasa 64 milyong subscriber ang hindi na nakagagamit ng kanilang selpon at internet para sa tawag, text at lahat ng transaksyong digital, kabilang sa social media. Kapag hindi nila ito inirehistro sa susunod na limang araw, o hanggang Hulyo 31, permanente na itong ide-deactivate o puputulin (SIM Dead) ng mga kumpanya.

Ipinagpipilitan ng reaksyunaryong estado ang pwersahang pagpaparehistro ng SIM Card kahit pa pinabubulaanan ng sarili nitong datos ang epektibidad nito. Noong nakaraang linggo, ibinalita ng PNP na tumaas pa ang bilang ng mga cybercrimes sa unang hati ng taon, kumpara sa parehong panahon noong 2022 na wala pang SIM Card Registration Law.

“Hindi naman mawawala ang mga scam sa SIM Reg Law. Ilang beses na namin ito sinabi, pero mistulang nagbibingi-bingihan ang DICT sa hinaing ng mga digital security experts at advocates,” ayon kay Maded Batara, tagapangulo ng Computers Professionals Union, na isa sa mga tagapagsalita sa pagkilos.

Nagbabala naman ang grupong Kadamay laban sa pagkakait ng serbisyo laluna sa mga panahon ng sakuna. Napakalaking disbentahe ito sa mga maralita, na hindi lahat ay may selpon na Android, at sa gayon ay hirap sa pagpaparehistro.

“Ipinagmamalaki ni Marcos sa kanyang SONA ang pagkakaroon ng digitized economy sa Pilipinas. Maipapagmamalaki pa ba niya ito kahit na may 64 milyon na mai-didisenfranchise ng SIM Reg law?” pahayag ni Ardee Guerrero ng Agham Youth.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

South Africa Makes Steps Toward Its Energy Transition | News

Zamaswazi Cele, a post-graduate student at the Durban University of Technology,

Magkakasunod na taktikal na opensiba ng BHB sa Masbate

Magkakasunod na gerilyang aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng