Ang Bayan » 8 sundalo ng 17th IB, napatay sa engkwentro sa BHB-West Cagayan

September 20, 2023


Iniulat kahapon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-West Cagayan na napatay sa isang armadong aksyon nito ang walong sundalo ng 17th IB noong Hulyo 27 sa Barangay Sicalao, Lasam, Cagayan. Sa panahong iyon, nag-ooperasyon ang dalawang batalyon ng 5th IB sa mga bayan ng Lasam, Sto. Nino at Rizal sa nabanggit na prubinsya.

Mismong mga residente ang nakakita sa bilang ng kaswalti sa hanay ng 17th IB nang inilabas ang mga bangkay sa sentro ng barangay. Anila, bukod sa mga napaslang, marami rin sa mga sundalo ang nasugatan. Hindi inamin ng 17th IB ang kanilang pinsala.

Ayon sa BHB-West Cagayan, ligtas na nakaatras ang yunit ng BHB na nakasagupa ng 17th IB. Mabilis na naagaw ng mga Pulang mandirigma ang inisyatiba at nakapagmaniobra para patamaan ang naka-engkwentrong mga sundalo. Malaking tulong sa mga mandirigma ang suportang masa at kaalaman sa tereyn sa pagmaniobra palayo sa lugar ng engkwentro.

Imbwelto ang nakasagupang yunit ng militar sa sadyang pagpaslang kina Saturnino “Ka Peping” Agunoy at ang dalawa medik na sina Augusto “Ka Val” Gayagas at Mark “Ka Uno” Canta noong Abril 14, 2022 sa Piat, Cagayan. Pawang mga di-armado at wala sa katayuang lumaban ang tatlong biktima, at kapwa senior citizen sina Ka Peping at Ka Val.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan » Rep. Castro, nagsampa ng kaso laban kay Duterte

Nagsampa ngayong araw, Oktubre 24, ng kaso ng malalang pambabanta

Pinakamataas na pagpupugay kina Wilma Austria-Tiamzon at Benito Tiamzon – updates from the peasant movement of the Philippines

Para kina Wilma “Ka Bagong-tao” Austria-Tiamzon at Benito “Ka Laan”