Ang Bayan » BHB-Albay, handang tumugon sa sakuna ng pagsabog ng bulkang Mayon

June 12, 2023


Handa ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Albay at ang rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya na tumugon, mag-ambag at sumuporta sa pamamagitan ng sama-samang pag-iipon ng anumang tulong pinansyal at materyal para sa mamamayang Albayano sa harap ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa pahayag nito, sinabi ni Ka Florante Orobia, tagapagsalita ng BHB-Albay, nananawagan siya ng suporta mula sa mga karatig bayan para tulungan ang mga apektado ng pagsabog ng bulkan. Ani Orobia, “marami sa ating mga kababayan ang dati nang nasa gitna ng kahirapan, kagutuman at tagtuyot dagdag ang delubyong hatid ng pagsabog ng bulkang Mayon.” Kaya kinakailangan umano ang ibayong pagkakaisa at pagtutulungan sa hanay ng masang magsasaka at maralita.

Sa huling tala, higit 14,000 residente o 4,000 pamilya na sa prubinsya ang lumikas dahil sa paglalabas ng lava ng bulkan at tuluy-tuloy na pagbubuga ng usok.

Noong Hunyo 8 unang inianunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 3 sa bulkang Mayon dahil sa “relatibong mataas na antas ng ligalig dahil ang magma ay nasa crater.” Nagsilbi din itong banta sa posibleng papatinding posibilidad ng peligrosong pagsabog sa darating na mga linggo o maging araw.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » Drivers and operators condemn LTFRB again for apprehending unconsolidated jeepneys

Jeep drivers and operators launched another protest today, June 10,

Ang Bayan » US-PH Balikatan Exercises, sinalubong ng mga protesta

Kabi-kabilang protesta ang inilunsad ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa unang