Ang Bayan » Hatol na maysala sa matanda at maysakit na konsultant ng NDFP, kinundena

June 29, 2023


Kinundena ng grupong Karapatan ang hatol ng korte sa matanda at maysakit na konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Frank Fernandez at kanyang asawa na si Cleofe Lagtapon kaugnay sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms. Ang hatol ay inilabas ngayong araw ng Taguig Regional Trial Court Branch 266.

Anito, “malaking kabalintuan ang posibilidad na pag-aari ng dalawang matatanda at maysakit na mga indibidwal” ang mga pinalalabas na kanila ang mga armas at granadang nasamsam diumano noong sila ay inaresto.

Ang mag-asawa, kasama si Ge-ann Perez, ay inaresto noong Marso 24, 2019 sa Barangay Calumpang, Liliw, Laguna. Pinalalabas ng estado na nasamsam sa kanila ang tatlong kalibre .45 pistola, tatlong magasin at mga bala, at tatlong granada.

Habang hinatulan ang mag-asawa sa kasong illegal possession of firearms, ibinalita ng Karapatan na napawalang-sala sila sa mga kaso ng illegal possession of explosives at COMELEC gun ban. Si Perez, na kasama nilang akusado, ay ipinawalang-sala sa lahat ng mga kaso.

Anang Karapatan, ipinakikita ng paghatol na ito laban kay Fernandez at Lagtapon ang kahungkagan ng katarungan, na lalong pinatitingkad ng hindi nagtutugmang mga pahayag ng mga umarestong pwersa ng seguridad sa kanila.

Nakiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas sa pagkundena sa paghatol sa mga Fernandez. Ani Marco Valbuena, Chief Information Officer ng PKP, ang desisyon ng Taguig RTC ay “bahagi ng nagpapatuloy na patakaran ng pagkriminalisa at pagparusa sa mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa sa tangka ng reaksyunaryong estado sa ilalim ng rehimeng US-Marcos na supilin ang patriyotiko at demokratikong hangarin ng sambayanang Pilipino.

Sa pahayag ng NDF-Negros Island noong 2019, sinabi nitong si Fernandez at Lagtapon ay nagpapagamot sa Laguna nang arestuhin. Anila, hindi makatao at makatarungan ang ginawang pag-aresto sa tatlo. Nilabag din umano ng Gubyerno ng Pilipinas ang pinirmahan nitong kasunduan sa NDFP na Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na dapat ay nangangalaga sa kaligtasan at karapatan ng mga konsultant.

Si Fernandez ay mayroong sakit na chronic artery disease, chronic stable angina, hypertension stage 2-uncontrolled, chronic obstructive pulmonary disease, at hyponatremia, liban pa sa ibang sakit na dulot ng labis na katandaan.

Muling ipinanawagan ng Karapatan ang kagyat na pagpapalaya kina Fernandez, Lagtapon at Perez, at lahat ng mga bilanggong pulitikal. Hindi bababa sa 823 ang kabuuang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa bansa.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Cha-cha, kasado na sa Kamara

Kasabay ng malawakang transport strike ng mga tsuper laban sa

ICHRP to Bongbong Marcos: Stop the Killing of Children!

StatementJuly 2, 2023 The International Coalition for Human Rights in