Ang Bayan Ngayon » Ilampung libong mangingisda, pinagbawalang maglayag dahil sa Balikatan

May 6, 2024


Ilampung libong mangingisda ang pinagbawalang maglayag at pinagkaitan ng kabuhayan dulot ng Balikatan war games na isinasagawa ng US sa bansa. Hindi sila pwedeng maghanapbuhay sa buong panahon ng aktibidad (April 22-Mayo 10).

Ipinataw ng US at AFP ang “no sail policy” sa Zambales, Ilocos Norte at Palawan para bigyan-daan ang mga live-fire exercises sa mga baybayin gamit ang missile launcher tulad ng HIMARS. Sa Mayo 3, isinagawa ng US ang pagpapakawala ng mga misayl sa San Antonio, Zambales. Mula Mayo 6 hanggang Mayo 10 isasagawa naman ang mga live-fire exercises at pagpapalubog ng barko sa Ilocos Norte.

Sa Ilocos Norte, sinaklaw ng pagbabawal na ito ang mga bayan ng Burgos, Pagudpud, Bangui, Pasuquin, Bacarra, Paoay, Currimao, Badoc, at Laoag City.

Mahigit 600 sundalong Amerikano at Pilipino ang dumating sa Laoag noong Mayo 5. Isasagawa sa prubinsya ang war games kung saan kunwari may kalabang mananakop ang mga sundalo na magmumula sa karagatan. Magpapaputok din ang mga Amerikano ng kanilang mga HIMARS mula sa sand dunes o disyertong buhangin sa baybayin ng La Paz.

Bago pa man ilabas ang patakaran, nagpahayag na ng pagtutol ang grupo ng mangingisda na Pamalakaya laban dito. Ayon sa tagapangulo nitong si Fernando Hicap noong Abril, dapat bantayan ang mga tangka ng US na ipadeklara ang fishing ban para sa war games na wala namang kabuluhan sa mamamayang Pilipino.

Noong nakaraang taon, idineklara ang katulad na patakaran nang isagawa dito ang Balikatan kung saan hindi lamang ang mga mangingisda sa Ilocos Norte ang pinagbawalang maglayag, kundi pati ang mga nasa karatig bayan sa Ilocos Sur kahit hindi sila saklaw ng war games.

Sa taong iyon, naglabas ng resolusyon ang lokal na gubyerno sa Ilocos Norte na itaboy ang mga mangingisdang nanghuhuli sa paligid ng Burgos, Pagudpud, Bangui, Pasuquin, Bacarra, Paoay, Currimao, Badoc at Laoag dahil din sa Balikatan. Nasa 13,800 rehistradong mangigisda ang naapektuhan ng patakarang ito noong nakaraang taon.

“Hindi katanggap-tanggap na maperwisyo ang hanapbuhay ng mga Pilipinong mangingisda para sa mapang-udyok at militaristang aksyon ng U.S. sa ating karagatan,” ayon kay Hicap.

Nagreklamo rin ang mga mangingisda sa Zambales sa anila’y malaking salanta sa kanilang kabuhayan na dala ng no-sail policy. Anila, nasa ₱1,500 hanggang ₱2,000 ang mawawala sa kanila dahil sa pagbabawal ng pangingisda sa municipal waters ng prubinsya.

Apektado maging ang mga boat tour guide dahil tiyak na walang turista ang kukuha sa kanila habang nagpapaputok ng mga kanyon at misayl ang mga Amerikano sa karagatan. Himutok nila, panahon pa naman ngayon ng mga turista.

Sa Laoag, minaliit ng meyor ng syudad ang epekto ng pagpaputok ng HIMARS sa Barangay La Paz sa kabuhayan at pamumuhay ng kanyang mga constituent at sinabi lamang na wala silang dapat ikabahala.

Sa Rizal, Palawan, pinalikas ang mahigit 100 residente sa Barangay Kampong Ulay noong Mayo 2 para bigyan-daan ang isa pang live-fire exercises ng US sa lugar.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Progressive groups welcome SC’s ruling on red-tagging

Photo by Supreme Court of the Philippines By ANNE MARXZE

Ang Bayan » 64 milyong Pilipino, pinagkaitan ng serbisyong telekomunikasyon dulot ng SIM Card Registration Law

Nagsagawa kanina ng protesta ang Junk SIM Registration Network sa