Ang Bayan Ngayon » Serye ng sunog sa Cavite, pinaiimbestigahan ng mga mamalakaya at maralitang-lunsod

March 12, 2024


Pinaiimbestigahan ng grupong Pamalakaya at Kadamay ang magkakasunod na sunog sa mga maralitang komunidad sa mga baybayin ng Cavite noong Pebrero. Naniniwala ang dalawang grupo na sadya ang mga panununog na ito at may kinalaman sa mga pagtatangka na palayasin ang mga maralita sa kanilang mga paninirahan.

Hindi bababa sa limang sunog sa apat na barangay sa Bacoor City at Kawit ang sumiklab mula Pebrero 8 hanggang 27. Ang mga sunog na ito ay naganap sa Barangay Aniban II (Pebrero 8), Barangay Pulvorista (Pebrero 9), Barangay Niog I (Pebrero 19 at Pebrero 17) at Barangay Talaba VII (Pebrero 17). Hindi bababa sa 313 pamilya ang nasunugan.

“Matagal nang napatunayan na ang pagsunog sa isang komunidad ang isa sa pinakamadali at epektibong paraan para idemolis ang isang buong komunidad para bigyan-daan ang mga proyektong para sa agresibong komersyo,” pahayag ni Aries Solenad, pangkalahatang kalihim ng Pamalakaya-Cavite.

Ayon sa dalawang grupo, mayroong nakaambang mga proyektong imprastrukuta at reklamasyon sa mga komunidad na tinupok at maaaring taktika ang mga sunog para palayasin ang mga residente rito.

“Gusto naming paimbestigahan ang maitim na iskemang ito at papanagutin ang mastermind nito,” anila.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss