Ang Bayan Ngayon » Sundalong Amerikano, nagsunog sa sarili bilang protesta sa henosidyo ng US-Israel sa Palestine

February 27, 2024


“Ayoko nang maging kasabwat sa henosidyo.” Ito ang pahayag ni Aaron Bushnell, isang pilotong Amerikano, bago niya silaban ang kanyang sarili noong Pebrero 25 sa harap ng embahada ng Israel sa Washington, D.C. sa US.

“Isasagawa ko ang isang pinakamatinding akto ng protesta, pero kumpara sa dinaranas ng mamamayan sa Palestine sa kamay ng mga mananakop, hindi ito matatawag na matindi. Ito na ang itinakda ng mga naghahari na pangkaraniwan (normal).”

Ayon sa mga saksi, ang huli niyang mga salita ay “Palayain ang Palestine,” bago siya bumagsak. Nadala pa siya sa ospital pero agad rin siyang namatay.

Aktibong myembro ng US Air Force si Bushnell sa panahon ng kanyang kamatayan. Naganap ang pagsunog niya sa sarili dalawang araw matapos hinarang ng US, sa pangatlong pagkakataon, ang panukalang tigil-putukan sa Gaza noong Pebrero 23.

Bilang pagkilala sa kanyang protesta, nag-alay ng bulaklak at nag-vigil ang mga kapwa niyang Amerikano na kontra sa henosidyo ng US at Israel. Pinarangalan din siya ng kinabilangang niyang organisasyong Serve The People, isang grupong tumutulong sa mga walang bahay at nagugutom sa US.

Kinilala ng Islamic Resistance Movement (Hamas) ang kabayanihan ni Bushnell. “(I))binuwis ni Bushnell ang kanyang buhay para itulak ang gubyerno ng kanyang bansa na patigilin ang kriminal na Zionistang hukbo na atakehin (ang Gaza) at ang pagpapatupad nito ng mga masaker at mga iba pang pang-aabuso.” Inalala rin ng Hamas ang kamatayan ng aktibistang Amerikana na si Rachel Corrie na namatay matapos sagasaan ng buldoser ng Zionistang Israel sa Rafah noong 2003.

Sa Gaza, umabot na nang 30,000 ang pinatay ng US at Israel sa walang patid na pambobomba at pang-aatake nito sa mga sibilyan noong oras na sinilaban ni Bushnell ang kanyang sarili.

Ang pagsisilab sa sarili bilang porma ng protesta ay isinagawa na rin sa Vietnam laban sa papet ng US na gubyerno noong dekada 1960. Noong 2010, sinilaban ng isang 26-anyos ang sarili sa Tunisia, bilang protesta sa korapsyon at brutalidad. Nagsilbi itong hudyat sa malawakang mga protesta sa tinawag ng Westen media na “Arab Spring.”

Noong nakaraang taon lamang, sinilaban ng isang unyonista sa South Korea ang sarili bilang protesta sa panggigipit ng estadong Korean sa kinabibilangan niyang unyon.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ika-37 anibersaryo ng masaker sa Mendiola, ginunita

Ni CHRISTOM JOHN SANTIAGO at RIZZA MAE ESCIOPinoy Weelky Repormang

Paglabag sa karapatang pantao ng Marcos Jr.-Duterte, dumami – Pinoy Weekly

Alinsunod sa counterintersurgency program ng gobyernong Ferdinand Marcos Jr. at