Ang Bayan » Panghihimasok ng militar sa Gardenia at Philfoods, binatikos

June 17, 2023


Binatikos ng unyon ng mga manggagawa sa Gardenia Bakeries Phils at Philfoods Fresh Baked Products ang panghihimasok ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pahintulot ng mga kapitalista ng dalawang kumpanya, sa mga planta at internal na usaping pang-manggagawa ng mga ito.

Naghain ng reklamo ang Unyon ng mga Panadero sa Gardenia Bakeries Phils at Unyon ng mga Panadero sa Philfoods Fresh Bake Products sa Commission on Human Rights noong Hunyo 15 kaugnay nito.

Ayon sa mga manggagawa, inihain nila ang reklamo para papanagutin ang patuloy na panggigipit (harassment), intimidasyon, at red-tagging ng mga pwersa ng estado laban sa kanila.

Noong 2021 pa iniulat ng mga manggagawa ng Gardenia ang mga kaso ng harasment mula sa mga pwersa ng estado. Subalit anila ang kaibahan ngayon ay mas klaro na ang pakikipagsabwatan ng kumpanya ng Gardenia at Philfoods sa mga pwersa ng estado sa pamamagitan ng pagpapasok sa mga pulis at militar sa loob ng pagawaan para maglunsad ng mga anti-unyon na aktibidad.

“Binuksan ng kapitalistang Gardenia ang kanyang planta at mismong sa loob na ng kumpanya inilulunsad ang anti-union seminar,” pahayag ni Rhoel Alconsera, Vice President for Education ng Unyon ng mga Panadero sa Gardenia Bakeries Phils.

Ibinibigay na rin umano ng naturang mga kumpanya ang personal na impormasyon katulad ng work history at mga tirahan ng mga manggagawa sa mga sundalo.

Kwento ni Larry Mallorca, pangulo ng Unyon ng mga Panadero sa Philfoods Fresh Bake Products, “May 25, 2023, kami po ay iniskedyulan na magkaroon ng meeting kasama ng management…yung inexpect namin, management, tapos ngayon, maya-maya pinaakyat nila kami tapos, nakita namin, bakit may mga kapulisan, NTF-ELCAC, at saka yung may mga iba pang taong hindi namin kilala?”

Dagdag pa niya, “Nangagamba kami kung bakit nila sine-seminar sa amin yung mga ganong nangyayari na kami ay mga manggagawa lang na gumagawa ng tinapay… Sa organisasyon na binuo namin, ang ipinaglalaban namin, ay sapat na sahod, maayos na benepisyo, at kasiguraduhan sa trabaho. Nakakapagtaka bakit kami nila ginaganyan.”

Ang Gardenia Bakeries at Philfoods Fresh-Baked Products ay parehong gumagawa ng tinapay para sa Gardenia, isang multinasyunal na kumpanya.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Mayaman ang prubinsyang Masbate subalit bakit labis ang paghihirap ng mga Masbatenyo?

Mayaman ang prubinsyang Masbate. Mayroon itong malapad at matabang lupaing

Ang Bayan Ngayon » GDP growth is not a sign of improvement in the condition of the people

The Ibon Foundation scoffed at the Marcos regime’s boast that