Migrante International @30
#4: Save the life of Mary Jane Veloso
Pandaigdigang tagumpay ang nakamit natin ng nailigtas ang buhay ni Mary Jane Veloso, isang biktima ng human trafficking na sentensyahan ng kamatayan sa Indonesia. Pinangunahan ng Migrante International, katuwang ang magulang at pamilya ni Mary Jane ang isang pandaidigang kampanya noong taon 2015 para manawagan na mapatigil ang kanyang pagbitay. Aktibong lumahok, nag-ingay at nagsagawa ng mga kilos protesta at vigils ang mga migranteng Pilipino at iba’t ibang sektor, kasama ang taong simbahan, mga progresibong abogado, mga institusyon at grupo mula sa iba’t ibang bansa.
