PRWC » Ambus, tagumpay laban sa mersenaryong 80th IBPA

April 1, 2023


Matagumpay na ambus ang isinagawa ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal laban sa mersenaryong 80th IBPA kaninang 8:40 ng umaga, Marso 31, 2023 sa sityo Karayupa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal. Isa ang patay sa reaksyunaryong AFP habang walang natamong pinsala ang NAAC-NPA-Rizal.

Ang aksyong militar na ito ay tugon sa perwisyo at paglabag ng 80th IBPA sa karapatang-tao. Mula Pebrero pa ay nag-ooperasyon na ang yunit na ito sa mga barangay na sasaklawin ng proyektong Wawa-Violago Dam upang protektahan ang naturang anti-mamamayan at mapangwasak sa kalikasan na proyekto. Dahil sa mga operasyong ito ay ilang kaso na ng harassment at surveillance ang isinagawa nito sa mamamayan ng Rizal na nagnanais manatili sa kanilang mga tirahan at lupaing apektado ng dam.

Pinasusubalian ng aksyong militar ang kasinungalingan at kabalintunaang ipinahayag ng AFP noong Miyerkules, Marso 29, na humihina na ang CPP-NPA kaya pinasisinsin nito ang kanilang mga operasyon. Sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng New People’s Army, muling ipinakita ng Narciso Antazo Aramil Command na patuloy na nagpupunyagi at nagtatamasa ng suportang masa ang NPA sa Rizal at sa buong bansa. #



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Mga Krimen ng MBLT-4 sa mamamayan ng Palawan

PRWC » Mga Krimen ng MBLT-4 sa mamamayan ng Palawan

PRWC » Sa pagsulong ng makatarungang digma higit na maipapaunawa ng mga Masbatenyo kay Sara Duterte ang ugat ng armadong tunggalian

Ang paglulunsad ng mamamayang Masbatenyo at buong sambayanang Pilipino ng