‘Some People Need Killing,’ kabilang sa NY Times ‘100 Notable Books of 2023’ – Pinoy Weekly

December 1, 2023


Kabilang ang librong “Some People Need Killing” ng Pilipinong mamamahayag na si Patricia Evangelista sa “100 Notable Books of 2023” ng The New York Times.

Inilarawan ng pahayagan ang akda ni Evangelista bilang “powerful” at “gripping.”

Sa libro, ibinahagi ni Evangelista, noo’y reporter ng news outfit na Rappler, ang kaniyang stint sa pag-cover ng “war on drugs” campaign o extrajudicial killings (EJKs) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isa namang naunang review sa The New York Times, pinuri ni literary critic Jennifer Szalai ang uri ng wikang ginamit ni Evangelista sa libro.

“She pays close attention to language, and not only because she is a writer. Language can be used to communicate, to deny, to threaten, to cajole,” sabi ni Szalai.

“Duterte’s language is coarse and degrading. Evangelista’s is evocative and exacting,” dagdag niya.

Ang pagdodokumento sa nangyaring EJKs sa buong panunugkulan ni Duterte, mula 2016 hanggang 2022.

Ayon sa mga tantiya ng human rights group, maaaring umabot sa 20,000 katao ang mga naging biktima ng EJKs sa giyera kontra-droga ng nakaraang rehimen.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Bagong mukha ng makabagong Gabriela – Pinoy Weekly

Sa edad na 21, siya ang pinakabatang naging secretary general

Ang Bayan Ngayon » February “rice inflation” soars to 23.7%

February saw relentless increases in the price of rice, the