NBI: More ICC warrants likely within one monthUS revokes former House Speaker Romualdez’s visas, PH envoy confirmsLegal scholars defend Senate session: 13 not a ‘magic number’NBI: More ICC warrants likely within one monthUS revokes former House Speaker Romualdez’s visas, PH envoy confirmsLegal scholars defend Senate session: 13 not a ‘magic number’
Alternative media

Sangkot sa pagpaslang kay Percy Lapid, tetestigo na – Pinoy Weekly

Sangkot sa pagpaslang kay Percy Lapid, tetestigo na – Pinoy Weekly


Nakatakdang tumestigo si Christopher Bacoto na sangkot umano sa kasong pagpatay sa batikang brodkaster at komentaristang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, sa darating na paglilitis sa Okt. 21.

Nakatanggap ng tawag ang kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa mula sa isang piskal ng Department of Justice nitong nakaraang buwan upang ibalita na pumayag nang humarap sa husgado si Bacoto sa panig ng prosekusyon. 

“Si Bacoto ang magpapatunay na siya ang kumontrata sa kababata na si Joel Escorial upang patayin si Ka Percy,” ani Mabasa. 

Nahatulan na ng walo hanggang 16 taong pagkakakulong ang sumukong gunman na si Escorial ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 noong Mayo 6 at nasa Philippine National Police (PNP) Custodial Center hanggang matapos ang paglilitis kay Bacoto.

Samantala, ikinabahala ni Mabasa ang magdadalawang taon nang pagtatago ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag, ang utak umano at isa sa 160 persons of interest sa pagpaslang kay Lapid. 

“Kapag lumipas ang Okt. 21, kung ‘di pa siya mahuhuli, maisasantabi ang kaso. ‘Yan ang masamang balita diyan kasi ‘pag naisantabi ang kaso, matutulog ‘yan, baka makalimutan na ng taumbayan,” sabi ni Mabasa. 

Katuwiran ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,  alam nila ang kinaroroonan ni Bantag, ngunit nahihirapan silang arestuhin ito dahil tinatago siya ng kanyang mga kaklase. 

Sabi niya, kabilang si Bantag sa class 1996 ng Philippine National Police Academy na siyang ruling class sa PNP sa kasalukuyan. 

Ayon naman kay Mabasa, nahatulan na ng ilang taong pagkakakulong ang nasa limang bilanggong kasabwat sa pagpaslang kay Lapid habang pumanaw na si dating BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, isa pang itinuturong utak ng pagpatay, at si Orlando Mendoza, ang motorcycle driver ni Escorial.

Nanawagan si Mabasa sa mga awtoridad na pag-igihin pa ang paghahanap kay Bantag sa lalong madaling panahon.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning