Sinalubong ng mga estudyante, konseho at progresibong organisasyon ng University of the Philippines-Manila ang panibagong pangakademikong taon sa pamamagitan ng paglunsad ng “First Day Rage” upang irehistro ang kanilang pagtutol sa P2.4 bilyon budget cut sa UP, militarisasyon sa UP campuses at mga anti-student polisiya tulad na lang ng Return Service Agreement (RSA), noong ika-19 ng Agosto.
Hinimok ng mga ito ang kanilang kapwa estudyante na mangielam at makisangkot sa mga isyu sa loob ng pamantasan pati na rin sa mga panlipunang suliranin tulad na lang ng gerang agresyon sa pagitan ng US at China sa West Philippine Sea, tumitinding pasismo at panunupil ng gobyerno sa mga progresibo, kawalan ng lupa ng mga magsasaka pati na rin ang pambabarat ng sahod sa mga manggagawa.
Nagmartsa ang mga estudyante mula Padre Faura St. patungong PGH Oblation Plaza.